Central Bicutan Persons With Disability Organization

Central Bicutan Persons With Disability Organization Information Updates/Inquiry of Benefits, Rights and Programs for PWDs Brgy. Central Bicutan

20/08/2026
03/08/2026

Maraming salamat po sa lahat ng nakilahok sa ating Taguig 4th Color Fun Run!

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga miyembro na gumising nang maaga at nakiisa upang maging matagumpay ang ating programa. Maraming salamat din sa ating masisipag na BAPDTC Officers sa inyong dedikasyon, sipag, at walang sawang paglilingkod.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa Bagong Barangay Central Bicutan, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kapitan Rodjie Tangpuz, sa buong Sangguniang Pambarangay, kay Kagawad Cris Senares, at sa mga masisipag na Barangay Staff sa pamumuno ni Treasurer Lilia Tablante. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa aming sektor at sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong maging aktibong bahagi ng ating komunidad.

Maraming salamat din sa ating Lungsod ng Taguig sa patuloy na pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa Persons with Disabilities, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Lani Cayetano, sa Sangguniang Panlungsod, sa Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), kay Larry Supas (PDAO Head), at sa YAKAP Center, sa pangunguna ni Director Zarah Claire Cuenca.

Sa lahat ng mga naging bahagi at tumulong upang maisakatuparan ang matagumpay na event na ito—maraming, maraming salamat po! Ang inyong suporta at pakikiisa ang nagsisilbing inspirasyon upang patuloy nating isulong ang pagkakaisa, inklusibong komunidad, at malasakit para sa bawat isa.

Hanggang sa muli! Kita-kits po tayo sa ating 5th Color Fun Run! 💙🎉🏃🌈

01/08/2026
Himig ng KakayananSa bawat tinig ay may lakas. Sa bawat kakayahan ay may pag-asa. Ang Himig ng Kakayanan ay sumisimbolo ...
31/07/2026

Himig ng Kakayanan

Sa bawat tinig ay may lakas. Sa bawat kakayahan ay may pag-asa. Ang Himig ng Kakayanan ay sumisimbolo sa pagkakaisa, talento, at determinasyon ng bawat Person with Disability (PWD). Ipinapakita nito na ang tunay na galing ay hindi nasusukat sa pisikal na kakayahan, kundi sa tibay ng loob, dedikasyon, at pagmamahal sa kapwa.

Sama-sama nating iparinig ang himig ng pag-asa, pagkakapantay-pantay, at inklusibong komunidad. Sapagkat ang bawat isa ay may mahalagang ambag, at bawat tinig ay may kuwentong nagbibigay-inspirasyon.

Health Mission for Persons with disabilities
28/07/2026

Health Mission for Persons with disabilities

01/07/2026

Cong. Jorge Bocobo fun day 1st anniversary

01/07/2026

Isang taos-pusong pasasalamat kay Cong. Jorge Bocobo sa kanyang suporta at malasakit sa ating mga kababayang Persons with Disabilities (PWD), lalo na sa matagumpay na pamamahagi ng mga wheelchair bilang bahagi at pagdiriwang ng Cong. Jorge Bocobo Funday 1st Anniversary Celebration.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating Punong Barangay Kapitan Rodjie Tangpuz,Kagawad Cris Sanares, at sa ating pamahalaang lungsod Mayor Lani Cayetano sa kanilang pakikiisa at patuloy na suporta sa mga programa para sa ating mga PWD.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at tunay na malasakit sa kapwa. Nawa’y magpatuloy ang ating sama-samang adhikain na makapagbigay ng pag-asa, dignidad, at mas magandang kalidad ng buhay para sa bawat PWD sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong lahat at mabuhay ang ating PWD Association! ♿💙



04/06/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO

Batay po sa ating mga naging karanasan sa mga nakaraang araw ng distribusyon at dahil na rin sa hindi magandang lagay ng panahon, minabuti po ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na dalhin na lamang ang mga bigas direkta sa tahanan ng mga benepisyaryo.

Layunin po nitong mapabilis ang pamamahagi, maiwasan ang mahabang pila, at matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng miyembro ng ating mga Persons with Disabilities.

Mangyari lamang po na hintayin ang anunsyo mula sa Persons with Disabilities Affairs Office ukol sa iskedyul ng house to house distribution.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa habang sama-sama nating pinaghuhusay ang paghahatid ng serbisyo sa bawat Taguigeño.

Address

Taguig
1631

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Central Bicutan Persons With Disability Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Central Bicutan Persons With Disability Organization:

Shortcuts

Share