22/08/2026
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆, 𝐆𝐔𝐀𝐑𝐃𝐈𝐀𝐍𝐒 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍
𝑺𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒖𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕 𝒈𝒖𝒂𝒓𝒅𝒊𝒂𝒏𝒔,
Mariing naninindigan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig: 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐫 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧, 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝. Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat kabataan ay pananagutan nating lahat.
Kaugnay ng mga kamakailang insidente ng school violence sa iba’t ibang bahagi ng bansa, 𝐡𝐢𝐧𝐢𝐡𝐢𝐤𝐚𝐲𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐠𝐮𝐚𝐫𝐝𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐭𝐲𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐚𝐤 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚.
Alamin kung ano ang kanilang pinagdaraanan. Kilalanin ang kanilang mga kaibigan, interes at gawain, kabilang ang kanilang social media at online activities. 𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭, 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐮𝐬𝐚𝐩, 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐤𝐮𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐢𝐥𝐚.
Ang Pamahalaang Lungsod, mga paaralan, at mga g**o ay kaagapay ninyo sa pagpapanatiling ligtas ng ating kabataan at sa pagtiyak ng kanilang maayos na paglaki at pagkatuto.
𝑺𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏,
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐢𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚.
Kung nakararanas kayo ng bullying, problema sa pag-aaral o tahanan, o anumang sitwasyong nagdudulot ng takot, galit, pangamba, o pagkalito, magsabi at humingi ng tulong. Lumapit sa inyong magulang, guardian, g**o, guidance counselor, o sa Pamahalaang Lungsod.
𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐨𝐥𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧. Ang paggamit ng dahas o armas ay maaaring magdulot ng pinsalang hindi na maibabalik—sa inyong sarili, kinabukasan, at sa buhay ng iba.
𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠.
24/7 𝑻𝒂𝒈𝒖𝒊𝒈 𝑴𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑯𝒐𝒕𝒍𝒊𝒏𝒆
0929-521-8373 | 0967-039-3456
6:00 AM–6:00 PM | 6:00 PM to 6:00 AM
𝑻𝒂𝒈𝒖𝒊𝒈 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒔 & 𝑺𝒖𝒑𝒑𝒐𝒓𝒕:
bit.ly/TaguigProgramsfortheYouth
24/7 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓 𝑴𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒔
Dial 1553 (National landline toll-free)
Dial 02 1553 (when calling from a cellphone)
1800-1888-1553 (for Smart/TNT subscribers)
0908-639-2672 (Smart/TNT)
0917-899-8727 (Globe/TM)
0908-639-2672 (Globe/TM)