17/08/2026
Magandang Araw, North Signal!
Mainit na tinanggap ni Kapitan Ricardo Jordan Jr. at ng Sangguniang Barangay ang pagbisita ni PCPT. Nelvin P. Pacia, ang bagong Officer-in-Charge (OIC) Chief ng Sub-Station 6.
Ang nasabing Courtesy Visit ay naglayong palakasin pa ang kooperasyon at ugnayan ng ating lokal na pamahalaan at ng kepulisan para sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat pamilya sa Barangay North Signal.
Patuloy ang ating pakikipagbalikatan sa Station 6 para sa mas ligtas at maunlad na komunidad!