03/06/2026
πΏπ PAGPUPUGAY SA ATING MUTYA NG TAGUIG CANDIDATE ππΏ
Buong pusong ipinagmamalaki ng Barangay San Miguel ang ating kinatawan sa Mutya ng Taguig na nagbigay ng makabuluhang adbokasiya para sa pangangalaga ng ating kalikasan at kapaligiran.
Bagama't hindi man niya naiuwi ang korona, tunay na panalo siya sa pagpapakita ng malasakit, dedikasyon, at pagmamahal sa ating komunidad at sa Inang Kalikasan. Ang kanyang video advocacy ay nagsilbing inspirasyon upang mas mapalalim ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng wastong pangangalaga sa ating kapaligiran para sa susunod na henerasyon.
Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nasusukat sa entablado kundi sa kakayahang magbigay ng positibong pagbabago at inspirasyon sa kapwa.
Maraming salamat sa iyong pagsisikap at sa pagdadala ng karangalan sa Barangay San Miguel. Ipinagmamalaki ka namin at patuloy naming susuportahan ang iyong mga adhikain para sa kalikasan at sa ating komunidad.
Congratulations at maraming salamat Samantha Dela Cruz sa pagiging huwaran ng kabataang San Miguel! π±β¨