01/08/2026
Magandang Buhay, Barangay Bambang! ๐๐ค
Bambang Updatesโผ๏ธ
Nutrition Month Celebration 2026 | Bambang Day Care Center ๐ฅฆ๐
Noong Hulyo 31, 2026, matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Nutrition Month sa Bambang Day Care Center, na nilahukan ng mga masisipag at masisiglang mag-aaral.
Ang programa ay pinangunahan ng BNAO Chairperson Kapitana Amy Esteban, katuwang ang mga Nutrition Staff at Barangay Health Workers (BHW). Nagkaroon din ng maikling oryentasyon na pinangunahan ni Ms. Kaila Pagsisihan, Nutrition Dietitian ng Lungsod ng Taguig. Sa kanyang talakayan, ibinahagi niya ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, pagkain ng masustansyang gulay at prutas, at tamang kalinisan (hygiene) upang mapanatiling malusog at malakas ang bawat bata.
Masayang nakiisa at aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa ibaโt ibang gawain at aktibidad na inihanda para sa kanila bilang bahagi ng selebrasyon.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamunuan ng Barangay Bambang, sa pangunguna ni Punong Barangay Ryan Esteban at ng kanyang Sangguniang Barangay, sa lahat ng mga magulang na nakiisa at dumalo sa programa sa kabila ng hindi magandang panahon.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kina Day Care Teacher Maโam Junessa at Assistant Teacher Ms. Melody sa kanilang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon ng ating barangay.
Sama-sama nating itaguyod ang wastong nutrisyon para sa mas malusog, mas masigla, at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan! ๐๐ฑ