28/03/2026
Isinagawa ng Ciriaco P. Tinga Elementary School ang Araw ng Pagkilala noong Marso 26, 2026 bilang pagbibigay-parangal sa kahusayan, kasipagan, at mga tagumpay ng ating mga mag-aaral at mga g**o.
Ang makabuluhang gawain ay dinaluhan ng ating mga panauhing pandangal na sina Kgg. Jimmy Labampa, Kgg. Edward Encarnacion, Kgg. Gina C. Garduque, Kgg. Lilibeth G. Bautista, SK Chairman Kevin Carl N. Julian and Council, kasama ang mga opisyal ng SPTA, mga magulang, mga g**o, at mga mag-aaral na buong pusong nakibahagi sa pagdiriwang.
Naging matagumpay ang programa kung saan pinarangalan ang mga mag-aaral na nagwagi sa ibaโt ibang paligsahan, mga mag-aaral na may karangalan, gayundin ang ating mga g**ong patuloy na nagsisilbing huwaran ng dedikasyon at inspirasyon sa larangan ng edukasyon.
Pinangunahan ang naturang gawain ng ating Punongg**o, G. Rodel C. Magisno, na patuloy na gumagabay sa paaralan tungo sa kahusayan at sa paghubog ng mga mag-aaral na may matibay na pangarap at kakayahan.
Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga pinarangalan! Nawaโy patuloy kayong magsilbing inspirasyon sa buong komunidad ng Ciriaco P. Tinga Elementary School.