Barangay Lower Bicutan

Call Directions Website Contact the organization

Barangay Lower Bicutan Opisyal na page ng Barangay Lower Bicutan, Lungsod Taguig PUNONG BARANGAY
HON. ROEL O. PACAYRA

BARANGAY KAGAWAD AND APPOINTED OFFICIALS:

HON. DENNIS R.

GERONIMO F. BAQUIRAN
HON. ADRIANO
HON. RICARDO R. CRUZ IV
HON. LESTER N. PADILLA
HON. OSCAR M. NORBE
HON. BENJAMIN ALVIN G. CRUZ
HON. MARICAR BERNAL
HON. SK CHAIR JUNE LYN A. TABANAO


BARANGAY SECRETARY - GEMMA LAARNI JUANA C. BAYLON
BARANGAY TREASURER - EUFRECENIA A. BERNARDO
BARANGAY ADMINISTRATOR - NORMAN D. STA. ANA

CLOSING CEREMONY NG 120-DAY FEEDING PROGRAMSetyembre 29, 2026 (Martes)Sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Roel O. Paca...
29/09/2026

CLOSING CEREMONY NG 120-DAY FEEDING PROGRAM
Setyembre 29, 2026 (Martes)

Sa pangunguna ni Punong Barangay Kgg. Roel O. Pacayra at ng buong Sangguniang Barangay, naging matagumpay ang 120-Day Feeding Program na naglalayong makatulong sa kalusugan at nutrisyon ng ating mga kabataan.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat kay District 1-Congressman Kgg. Ricardo โ€œAdingโ€ Cruz Jr. sa kanyang oras at pakikiisa sa makabuluhang programang ito.

Maraming salamat din po sa lahat ng volunteers, donors, partners, mga magulang, g**o, at sa bawat indibidwal na naglaan ng oras, suporta, at serbisyo upang maging matagumpay ang programang ito.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga sumusunod na katuwang:

โ€ข Barangay Health Workers (BHW)
โ€ข Barangay Nutrition Scholars (BNS)
โ€ข Barangay Nutrition Action Officer (BNAO)
โ€ข Barangay Staff
โ€ข Animal Rescue Team

Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng sama-samang pagkilos, malasakit, at pagtutulungan ng buong komunidad.

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating maisulong ang kalusugan, nutrisyon, at kapakanan ng ating mga kabataan.

Muli, ako po ang inyong lingkod, Kagawad Benjamin Alvin G. Cruz, na taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat sa inyong suporta at pakikiisa.

Maraming, maraming salamat po!
Mabuhay ang ating komunidad!

MAGANDANG ARAW, MGA KA-BARANGAY! ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026Ipinababatid po sa ating mga ka-barangay na HA...
27/09/2026

MAGANDANG ARAW, MGA KA-BARANGAY!

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY 2026

Ipinababatid po sa ating mga ka-barangay na HALF-DAY ang transaksyon/operasyon ng ilang tanggapan/departamento ng ating Barangay bukas, Setyembre 28 (Lunes), simula ala-1:00 ng hapon, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 34th National Family Week.

Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa Malacaรฑang Memorandum Circular No. 136, Proclamation No. 60, s. 2012, na naglalayong bigyang-halaga ang pamilya bilang pundasyon ng isang matatag at maunlad na pamayanan.

Gayunpaman, mananatiling bukas at handang tumugon ang mga sumusunod na tanggapan at serbisyong pang-emergency:

โœ… Barangay Security Force (BSF)
๐Ÿ“ž 0948-366-3758

โœ… Emergency Medical Services (EMS)
โœ… Fire Rescue Team
๐Ÿ“ž 0938-175-5152

โœ… VAWC Desk
๐Ÿ“ž 0985-019-1176

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa sa pagdiriwang na ito. Samantalahin natin ang pagkakataong ito upang makapaglaan ng mas mahalagang oras para sa ating mga mahal sa buhay at mapalakas ang samahan ng bawat pamilya. โค๏ธ

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.

Mabuhay ang pamilyang Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™
Mahalaga ang pamilya. Mahalaga ang pagsasama-sama.

25/09/2026

๐Ÿ“ข PAALALA PARA SA GAGANAPING PHILHEALTH YAKAP REGISTRATION AT MEMBER SERVICES

Ang PhilHealth Team ay magsasagawa ng serbisyo para sa mga residente ng Old Lower Bicutan YAKAP Center.

๐Ÿ—“๏ธ Petsa: Oktubre 1, 2026 (Huwebes)
โฐ Oras: 7:00 AM โ€“ 4:00 PM
๐Ÿ“ Lugar: Lower Bicutan Health Center
Parking Area

Mga Serbisyong Ihahatid:

โœ… Pagpaparehistro ng PhilHealth Member
โœ… Pag-iimprenta ng Member ID
โœ… Pag-update ng Member Records
โœ… YAKAP Registration

Inaanyayahan ang mga residente na samantalahin ang serbisyong ito at magdala ng kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro o pag-update ng kanilang PhilHealth records.

Tulad ng:

โœ… Philhealth ID (Kung meron na)
โœ… Valid Government ID
โœ… Birth Certificate

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta! Lower Bicutan Health Center
Kasama ninyo sa paghahatid ng accessible, preventive, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

PANAWAGAN MULA SA CSWDO-Taguig๐Ÿ“ข Nananawagan po kami sa sinumang may impormasyon tungkol sa natagpuang fetal remains/dead...
24/09/2026

PANAWAGAN MULA SA CSWDO-Taguig

๐Ÿ“ข Nananawagan po kami sa sinumang may impormasyon tungkol sa natagpuang fetal remains/dead fetus na tinatayang 3โ€“4 buwan ang gestational age sa Lakeview Manor Condominium, Brgy. Ususan, Taguig City noong Agosto 30, 2026.

Kung mayroon po kayong nalalaman tungkol sa insidente o may kakilalang maaaring may kaugnayan dito, mangyaring makipag-ugnayan kay Bb. Sheila B. Kitong, Social Worker ng CSWDO-Taguig.

๐Ÿ“ž (02) 7795-8825 / 0928-809-5869
๐Ÿ“ง [email protected]

Anumang impormasyon ay lubos na pahahalagahan at pananatilihing kumpidensyal.

Maraming salamat po!

Congratulations, SK Chairwoman! KGG. JUNELYN A. TABANAO ๐Ÿ‘๐Ÿ‘Isang malaking tagumpay ang iyong pagkakapasa bilang Registere...
17/09/2026

Congratulations, SK Chairwoman!
KGG. JUNELYN A. TABANAO ๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Isang malaking tagumpay ang iyong pagkakapasa bilang Registered Social Worker (RSW)!

Ang iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga. Mula sa paglilingkod bilang SK Chairwoman ng Barangay Lower Bicutan, hanggang sa pagiging isang ganap na Registered Social Worker, patuloy mong pinatutunayan na ang kabataan ay may kakayahang manguna, maglingkod, at gumawa ng positibong pagbabago sa komunidad.

Nawaโ€™y maging simula ito ng mas marami pang oportunidad upang maipagpatuloy mo ang iyong malasakit at serbisyo sa kapwa.

Congratulations, SK Chairwoman,
Padayon sa paglilingkod at paggawa ng kabutihan! ๐ŸŒทโœจ

๐ŸŽญ LOWER BICUTAN CULTURAL ARTS & TOURISM FESTIVAL ๐ŸŽญBilang bahagi ng ating nalalapit na Fiesta ng Barangay Lower Bicutan, ...
16/09/2026

๐ŸŽญ LOWER BICUTAN CULTURAL ARTS & TOURISM FESTIVAL ๐ŸŽญ

Bilang bahagi ng ating nalalapit na Fiesta ng Barangay Lower Bicutan, halinaโ€™t sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura, kasaysayan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa bilang isang komunidad! โค๏ธ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

Inaanyayahan ang mga lehitimong organisasyon ng Barangay Lower Bicutan na bumuo ng kanilang grupo at ipamalas ang pagkamalikhain at pagmamalaki sa ating Barangay sa pamamagitan ng isang makabuluhan at malikhaing presentasyon.

๐ŸŽ‰ EXCLUSIVE PERKS! ๐ŸŽ‰

๐Ÿ”ฅ FIRST 20 REGISTERED GROUPS ONLY! ๐Ÿ”ฅ

๐Ÿ‘• FREE SHIRT para sa mga participants!
๐ŸชŽ PRIZES sa mga magwawagi!
๐ŸŽ At marami pang SURPRISES na naghihintay!

๐Ÿ“Œ QUALIFICATIONS

โœ… Lahat ng miyembro ay dapat lehitimong residente ng Barangay Lower Bicutan.
โœ… Bawat grupo ay kinakailangang binubuo ng sampung (10) miyembro.
โœ… Ang bawat grupo ay dapat kumatawan sa isang lehitimong organisasyon na kinikilala at aktibong bahagi ng komunidad ng Barangay Lower Bicutan.

๐ŸŽŸ๏ธ PAANO SUMALI?

Sa mga organisasyong nais makilahok, i-click ang link sa ibaba at kumpletuhin ang registration form:

๐Ÿ”— https://forms.gle/HWkk6XaiYtSRNy8d8

Isang presentasyong may kwento, may puso, at may malinaw na ugnayan sa kultura, kasaysayan, pagkakakilanlan, at buhay ng ating Barangay.

Isang Barangay. Maraming Kwento. Iisang Puso.

Tara na, Lower Bicutan!
Ipakita natin ang galing at mga kuwentong nagbibigay-buhay sa ating barangay! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Mabuhay ang Lower Bicutan!
Maligayang Fiesta! ๐ŸŽŠ






https://www.facebook.com/share/1Dga3zjckg/๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜:Inaasahan na makakaranas ang ating lungsod ng katamtaman...
16/09/2026

https://www.facebook.com/share/1Dga3zjckg/

๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜:

Inaasahan na makakaranas ang ating lungsod ng katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat, pagkulog at pagbugso ng hangin dulot ng Localized Thunderstorms na maaaring matagal nang isa hanggang dalawang oras.

Mag-ingat po tayong lahat!

๐Š๐š๐ฉ๐š๐  ๐ง๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ข๐›, ๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง ๐š๐ ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ž๐ซ๐จ๐ง๐  ๐ข๐ญ๐จ:

๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐€๐๐ƒ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘
(02) 8789 3200
(02) 7795 8896
0919-079-9286

๐“๐€๐†๐”๐ˆ๐† ๐๐๐
(02) 8642 3582
0998-598-7932

๐“๐€๐†๐”๐ˆ๐† ๐๐…๐
(02) 8837 4496
0906-211-0919

๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜:

Inaasahan na makakaranas ang ating lungsod ng katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat, pagkulog at pagbugso ng hangin dulot ng Localized Thunderstorms na maaaring matagal nang isa hanggang dalawang oras.

Mag-ingat po tayong lahat!

๐Š๐š๐ฉ๐š๐  ๐ง๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ข๐›, ๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง ๐š๐ ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ž๐ซ๐จ๐ง๐  ๐ข๐ญ๐จ:

๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐€๐๐ƒ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘
(02) 8789 3200
(02) 7795 8896
0919-079-9286

๐“๐€๐†๐”๐ˆ๐† ๐๐๐
(02) 8642 3582
0998-598-7932

๐“๐€๐†๐”๐ˆ๐† ๐๐…๐
(02) 8837 4496
0906-211-0919

Magandang araw po!NAWAWALANananawagan po kami na baka po may nakakita or nakakaalam ng kinaroroonan ni FINLAN DEMATE, 39...
14/09/2026

Magandang araw po!

NAWAWALA

Nananawagan po kami na baka po may nakakita or nakakaalam ng kinaroroonan ni FINLAN DEMATE, 39 years old. Sya po ay nawawala at pinaghahanap na po ng kaniyang kaanak.

Kung sino man po ang makapagbigay alam sa kinaroroon or makakapagturo, maaari po kayong tumawag kay GNG. FATIMA GRACE sa numerong 09920510346.

Maraming Salamat Po!

Address

#1 C6 Road, Purok 5, Lower Bicutan
Taguig
1632

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Telephone

+63288391857

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Lower Bicutan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Lower Bicutan:

Shortcuts

Share