01/06/2026
𝗗𝗔𝗟𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗧 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡
𝗝𝗨𝗡𝗘 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 • 𝗪𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗗𝗔𝗬 • 𝟳 𝗔𝗠 - 𝟰 𝗣𝗠
𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗚𝗘 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧
𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗦𝗧. 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗔𝗚𝗨𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡
𝗧𝗔𝗚𝗨𝗜𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬
https://maps.app.goo.gl/191JNGaNuwATePgu5
• Free Pet Deworming
• Free Anti-rabies vaccination
• Free Pet tagging with microchip
• Free Pet Consultation
• Free Vitamin shots and medicines
• Libreng kapon - 100 slots available. No need to pre-register.
Walk-in only. First come, first served.
DALHIN ANG MGA SUMUSUNOD:
Patunay ng pagiging residente ng Taguig tulad ng valid ID na may address sa Taguig o barangay sa EMBO
Updated anti-rabies vaccination card ng alaga (kung meron)
Kulungan o tali para sa alaga
Tissue paper, basahan at plastic bag para sa
dumi at ihi ng alaga
Lagyan ng diaper ang alaga kung maaari. Magdala ng extra diaper. No diaper, no entry.
Kung aggresive ang alaga, lagyan ng mouth cover o busal
MGA DAPAT TANDAAN:
DEWORMING
• Dapat malusog ang alagang a*o at pusa
• May edad na 2 linggo pataas ang alaga
ANTI-RABIES VACCINATION
• Dapat malusog at walang sakit ang a*o at pusa
• May edad na 3 buwan pataas
• Kung babae ang alaga, hindi dapat naglalandi, hindi dapat buntis at hindi nagpapasuso
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
SA IKAKAPON NA PUSA
• No need to pre-register. Walk-in only. First come, first served.
• Only 1 pet per owner is allowed.
• Dapat may gulang na 6 na buwan pataas at may timbang na 3 kilos pataas
• Hindi dapat buntis, nagpapasuso o naglalandi ang babae
• Dapat malusog at hindi nagkasakit sa nakalipas na 2 linggo
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
• Dapat nag-fasting o ayuno ng 6-8 oras bago ikapon
SA IKAKAPON NA A*O
• No need to pre-register. Walk-in only. First come, first served.
• Only 1 pet per owner is allowed.
• Dapat may gulang na 6 na buwan pataas at may timbang na 4 kilos pataas
• Hindi dapat buntis, nagpapasuso o naglalandi ang babae
• Dapat malusog at hindi nagkasakit sa nakalipas na 2 linggo
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
• Dapat nag-fasting o ayuno ng 6-8 oras bago ikapon
PAALALA:
Iwasang dumayo sa ibang barangay. Dahil sa limitasyon ng mga venue, iniiwasan po natin ang pagdagsa ng napakaraming tao at hayop na maaaring maging sanhi ng sobrang siksikan, mahabang pila at matagal na paghihintay.
Magkakaroon naman po ng Pet Caravan at LIbreng Kapon sa lahat ng barangay ng Taguig City. Hintayin lang po ang schedule ng inyong barangay.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.
PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
Bumisita sa:
OFFICE OF THE CITY VETERINARIAN
MAIN OFFICE
#4 Model House
C6 Road, Purok 1
New Lower Bicutan
SATELLITE OFFICE
#16 Cadena de Amor St.
Pembo, Taguig City.
FB: https://www.facebook.com/ocv013