South Signal Tunay na may Malasakit

South Signal Tunay na may Malasakit Tunay na may Malasakit

Barangay South Signal, Nakiisa sa Legislators Night 2026! ✨Nakiisa ang DILG Taguig Field Office sa Lungsod ng Taguig sa ...
05/09/2026

Barangay South Signal, Nakiisa sa Legislators Night 2026! ✨

Nakiisa ang DILG Taguig Field Office sa Lungsod ng Taguig sa pagdiriwang ng Legislators’ Night 2026, na ginanap sa New Taguig City Hall Convention Center, bilang bahagi ng paggunita sa Philippine Councilors Week.

Dumalo at nagbigay-galang sa mahalagang okasyon ang ating Punong Lungsod Mayor Ate Lani Cayetano at Senator Alan Peter Cayetano. Kasama rin ang mga Punong Barangay at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod bilang mga saksi sa isang gabi ng pagkilala at pagpapahalaga sa sakripisyo, serbisyo, at dedikasyon ng mga lokal na mambabatas at lingkod-bayan ng Lungsod ng Taguig.

Isang makabuluhang gabi ito upang kilalanin ang patuloy na paglilingkod at malasakit ng ating mga lokal na lider para sa kapakanan at pag-unlad ng bawat Taguigeño.

Mabuhay ang ating mga lokal na mambabatas at lingkod-bayan! 🇵🇭



📣 LOVE CARAVAN: MEDICAL & DENTAL MISSION ❤️🩺ITO LAMANG PO AY PARA SA MGA RESIDENTE NG SOUTH SIGNAL. PARA PO SA MGA TAGA ...
04/09/2026

📣 LOVE CARAVAN: MEDICAL & DENTAL MISSION ❤️🩺

ITO LAMANG PO AY PARA SA MGA RESIDENTE NG SOUTH SIGNAL. PARA PO SA MGA TAGA IBANG BARANGAY MAKIPAG UGNAYAN LAMANG KAYO SA INYONG BARANGAY SA SCHEDULE NG LOVE CARAVAN.

Ang Barangay South Signal ay makikiisa sa Love Caravan “Medical and Dental Mission” ng City Government of Taguig para sa libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga residente.

📅 FINAL DATE: September 7, 2026 (MONDAY)
⏰ 7:00 AM – 3:00 PM
📍 INFRONT OF OUR LADY OF FATIMA CHURCH, GEN. ESPINO ST. SOUTH SIGNAL

🏥 Mga Libreng Serbisyo:

✅ Libreng Medical Check-up at mga gamot
✅ Chest X-ray, ECG at Ultrasound
✅ Libreng Dental Check-up at Tooth Extraction
✅ Laboratory tests (CBC, platelet count, urinalysis at blood typing)
✅ Libreng Hearing Test
✅ Libreng Nutrition Seminar
✅ Libreng Gulay at Binhi mula sa City Agriculture
✅ PhilHealth ng Masa Registration

📌 Paalala: Walang ibibigay na maintenance medicine. Para sa inyong maintenance medications, mangyaring kumonsulta sa inyong Barangay Health Center.

Maraming salamat sa City Government of Taguig – Medical Assistance Office sa patuloy na malasakit at serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Taguigeño!



UPDATE SA STREET LIGHTSMagandang balita po! Maayos na po ang street light sa Garcia St. cor. ML Quezon St. Matapos natin...
02/09/2026

UPDATE SA STREET LIGHTS

Magandang balita po! Maayos na po ang street light sa Garcia St. cor. ML Quezon St. Matapos nating i-trace ang problema, natukoy po na nasunog na wire ang naging sanhi at agad naman po itong naayos.

Naresolba na rin po ang problema sa Directo St. cor. Daisy St., kung saan nagti-trip off ang breaker. Napaltan na rin po ang breaker at maayos na po ang street light.

Patuloy po ang ating pag-iikot at pag-aayos ng mga street light sa ating barangay para sa mas ligtas at maliwanag na kalsada para sa lahat.

Maraming salamat sa ating masisipag na Barangay Maintenance, BSF, South Signal Fire Crew.


📢Ready na ba ang mga taga Taguig? Makilahok at ipakita ang galing!!!Get ready for the ultimate showdown in Mobile Legend...
01/09/2026

📢Ready na ba ang mga taga Taguig? Makilahok at ipakita ang galing!!!

Get ready for the ultimate showdown in Mobile Legends: Bang Bang, and 3v3 Basketball Tournament, exclusively for TM subscribers! 🏆

📌 Who Can Join?
For MLBB:
✅Open to all TM subscribers (excluding MPL/MDL players, GAB-licensed players, and Palaro ID holders)
✅Download Globe One App via Play store or AppStore
✅Top up or load EZ50 via Globe One App
✅ScreenShot of load confirmation.
✅Ages 14 and above
✅Minors (ages 14-17) may join with parental consent)waiver
✅All team members must be from Taguig

For 3v3 Basketball:
✅Open to all TM subscribers
✅Download Globe One App via Play store or AppStore
✅Top up or load EZ50 via Globe One App
✅ScreenShot of load confirmation.
✅Ages 18-30 years old
✅All team members must be from Taguig

📌 Team Composition and Format:
For MLBB
✅ 5 main players (team captain, and 1-2 sub player)
✅ Single Elimination only
✅ 5v5 Draft Mode
✅ Best of 1 (all matches)

For 3v3 Basketball
✅ 3 main players (team captain, and 1-2 sub player)
✅ Single Elimination(top team/s advances)
✅ Best of 1 (all matches)

💰 Prizes
For ML
🥇 Champion – ₱10,000
🥈 1st Runner-up – ₱3,00
🥉 2nd Runner-up – ₱2,000

For 3v3 Basketball
🥇 Champion – ₱10,000
🥈 1st Runner-up – ₱3,00
🥉 2nd Runner-up – ₱2,000
🥉 3rd Runner-up – ₱1,000

📱 How to Register:
👉 Visit our TM Tambayan Booth at *Ballecer Covered Court*
Registration Date: September 2-4, 2026

Tournament Venue: *Ayos Court*
Tournament Date: September 5, 2026

Come visit our booth and enjoy fun games, activities, freebies, rewards, and exciting experiences with Globe! 🎮🏀🎁

Available ang SIMs at load sa TM Tambayan booth! Get instant freebies and chips with every load purchase, plus a raffle entry for a chance to win a 5G phone! Kaya kaTeaM, Tara na sumali at makisaya!

📞 Got questions? Contact us at:
✅0966-183-1533
✅0927-871-1851

Come visit our booth and enjoy fun games, activities, freebies, rewards, and exciting experiences with Globe! 🎮🏀🎁

MAGING LIGTAS MULA SA HAZE! 😷Paalala sa lahat ng ating mga kabarangay: Ang haze ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sint...
01/09/2026

MAGING LIGTAS MULA SA HAZE! 😷

Paalala sa lahat ng ating mga kabarangay: Ang haze ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sintomas tulad ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pagluluha ng mata, pangangati ng ilong, at maaaring magpalala ng mga sakit sa respiratoryo tulad ng asthma.

🛡️ Narito ang ilang paalala para makaiwas sa epekto ng haze:
🏠 Manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari.
🚪 Isara ang mga pintuan at bintana at gumamit ng basang tela para takpan ang mga siwang.
😷 Magsuot ng N95 mask kung kinakailangang lumabas.
🚗 Gumamit ng headlights o fog lights kapag nagmamaneho sa gabi at malabo ang visibility.
⚠️ Kung makararanas ng matinding hirap sa paghinga o iba pang seryosong sintomas, humingi agad ng tulong medikal.

📞 Tumawag sa National Emergency Hotline 911 kung kinakailangan o tumawag sa ating tanggapan 09956531932

Kaligtasan at kalusugan ng bawat isa, ating pangalagaan!

LIBRENG CHEST X-RAY! 🩻Mahalaga ang regular na pagpapasuri para sa ating kalusugan! Inaanyayahan ang lahat ng residente n...
01/09/2026

LIBRENG CHEST X-RAY! 🩻

Mahalaga ang regular na pagpapasuri para sa ating kalusugan!

Inaanyayahan ang lahat ng residente na samantalahin ang LIBRENG CHEST X-RAY sa:

📅 Setyembre 3, 2026 (Huwebes)
📍 South Signal Health Center
⏰ 8:00 AM TO 12:00 ONLY
*150 SLOTS ONLY!!!!
*15 YEARS OLD ABOVE

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makapagpa-check up at masubaybayan ang inyong kalusugan. Ang maagang pagsusuri ay mahalaga upang maagapan ang anumang karamdaman.

PAALALA SA NAKATAKDANG POWER INTERRUPTIONMagandang araw, mga kabarangay! Ayon sa abiso mula sa Meralco, magkakaroon ng p...
28/08/2026

PAALALA SA NAKATAKDANG POWER INTERRUPTION

Magandang araw, mga kabarangay!

Ayon sa abiso mula sa Meralco, magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang apektadong lugar sa ating barangay bilang bahagi ng kanilang isasagawang maintenance activities.

📅 Petsa: September 1, 2026
⏰ Oras: 11:00 PM hanggang 4:00 AM ng September 2
📍 Lugar: Mga apektadong lugar na nakasaad sa kalakip na abiso

Isasagawa ang reconductoring at rerouting ng existing power line upang magbigay ng kinakailangang clearance para sa mga bagong poste at linya ng kuryente.

Clean-up Drive!Thank you FMO South Signal!
28/08/2026

Clean-up Drive!
Thank you FMO South Signal!

Happy Birthday Atty. Jose Luis G. Montales!Wishing you a wonderful birthday filled with good health, happiness and conti...
28/08/2026

Happy Birthday Atty. Jose Luis G. Montales!

Wishing you a wonderful birthday filled with good health, happiness and continued success!

Enjoy your day Atty and God Bless!



PAGTATABAS NG MGA PUNO Patuloy ang ating pagtatabas at pag-aayos ng mga puno sa ating barangay katuwang ang ating masisi...
28/08/2026

PAGTATABAS NG MGA PUNO

Patuloy ang ating pagtatabas at pag-aayos ng mga puno sa ating barangay katuwang ang ating masisipag na South Signal Fire Rescue Team, mga empleyado ng Barangay, at City Employees.

Layunin natin na mapanatiling ligtas ang ating mga kalsada at mga kabahayan, lalo na ang mga punong maaaring magdulot ng panganib sa ating mga kabarangay.



Address

Magsaysay Multi-Purpose Bldg
Taguig
1634

Telephone

+639981879684

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when South Signal Tunay na may Malasakit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to South Signal Tunay na may Malasakit:

Shortcuts

Share