07/08/2026
ITips
Digital Safety Tips
Bawat Click Mo sa Internet, May Naiiwang Bakas
Sa bawat ginagawa mo online — search, click, o pagbisita sa website — may naiiwang record ng iyong online activity.
Paano Mas Maging Ligtas Online:
I-clear ang browsing history at data paminsan-minsan.
I-block ang third-party cookies kung hindi kailangan.
Gumamit ng Private Browsing kung gusto mong hindi ma-save ang activity mo.
Huwag mag-save ng passwords sa shared o pampublikong computer.
Alisin ang mga browser extension na hindi mo ginagamit.
Panatilihing updated ang iyong browser.
Ang simpleng pag-iingat sa pagba-browse ay malaking tulong para maprotektahan ang iyong privacy.