15/07/2026
PET OWNER, NANANAWAGAN NG HUSTISYA MATAPOS UMANONG PATAYIN AT GAWING PULUTAN ANG ALAGANG ASO
Nananawagan ng hustisya ang isang pet owner matapos umanong patayin at gawing pulutan ang kanyang alagang aso na si "Choco" sa Himo-aw, Hilongos, Leyte.
Ayon sa social media post ng may-ari na kinilalang si Serah, espesyal na regalo niya sa kanyang sarili si Choco matapos niyang makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Sa kanyang salaysay, pansamantala niyang ipinagkatiwala ang aso sa isang kakilala habang may mahalaga siyang pupuntahan. Subalit nang balikan niya ito kinabukasan, nadiskubre umano niyang naibigay ang aso sa isang kalapit na bahay na may idinaraos na kaarawan, kung saan umano ito pinatay at ginawang pulutan para sa mga bisita.
Dahil sa insidente, labis ang kanyang hinagpis dahil itinuturing nilang bahagi ng kanilang pamilya si Choco. Nananawagan siya na mapanagot ang mga responsable at mabigyan ng hustisya ang kanyang alagang aso.
📷 Larawan: Serah Jean Sueno Rentosa