01/12/2025
24 November 2025 | MBLT-4, Mainit na Tinanggap ang Pagbisita ni CMS Rommel V. Carbon PN(M).
Isang mainit na pagtanggap ang ipinagkaloob ng Marine Battalion Landing Team-4 sa pagdating ni CMS Romel V. Carbon PN(M), Command Sergeant Major, Philippine Marine Corps, sa Rear Command Post ng MBLT-4, Brgy Nalil, Bongao, Tawi-Tawi.
Layunin ng kanyang pagbisita na higit pang patibayin ang core values, leadership principles, at operational readiness ng ating mga Marines. Sa kanyang talumpati at pakikipag-ugnayan sa mga tropa, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng leadership skills, tamang asal sa serbisyo, at mataas na antas ng performance lalo na sa hanay ng ating enlisted personnel, na itinuturing na gulugod ng Philippine Marine Corps.
Tinalakay rin ni CMS Carbon PN(M) ang kritikal na gampanin ng Senior Non-Commission Officer (SNCO) sa pagpapatibay ng disiplina, cohesion, at moral ng yunit. Binanggit niya na ang kanilang pamumuno ay may malaking kontribusyon sa epektibong pagtugon sa mga kasalukuyang hamon ng Maritime Security sa lalawigan ng Tawi-Tawi, isang rehiyong may malaking kahalagahan sa seguridad at soberanya ng bansa.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapahusay ng koordinasyon, pagpapalakas ng propesyonalismo, at pagpapatibay sa mandato ng Philippine Marine Corpsβna magbigay proteksyon sa mamamayan at tiyakin ang kapayapaan sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Sa pagtatapos, hinikayat ni CMS Carbon PN(M) ang bawat Marine na patuloy na isabuhay ang kahusayan, dedikasyon, at integridad, at maging inspirasyon sa kanilang kapwa bilang tunay na tagapaglingkod-bayan.