27/01/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
Isang insidente na nai-record sa pamamagitan ng dashcam kung saan isang skyway patrol rider ang nag-counterflow sa Northbound ng South Luzon Expressway (SLEX). Ang nasabing viral video ay kumalat na ngayon sa mga social media at naging paksa ng pag-uusap ng publiko.
Bilang bahagi ng imbestigasyon na ginagawa ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) at dahil hindi malinaw ang plate number ng patrol sa nasabing video, pormal na nagrequest ang IID sa SLEX Manila Toll Expressway Systems, Inc. na matulungan nila ang ahensya sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng motorsiklo at sa rider nito na sangkot sa nasabing insidente. Hiniling din ng IID na ma-access ang lahat ng available na CCTV o traffic monitoring footage mula sa lahat ng anggulo ng kamera na maaaring nakuhanan ang direksyon ng patrol bago, habang, at kaagad pagkatapos ng insidente.
Ipinahayag ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, na kapag matukoy ang rehistradong may-ari at driver ng sangkot sa insidente ay agad sila iisyuhan ng Show Cause Order ng LTO at sila ay aatasan na magsumite ng verified comment/explanation ukol sa nangyari at kailangan nila ipaliwanag ang kanilang panig kung bakit hindi sila dapat managot sa mga paglabag sa batas trapiko na naaayon sa kanilang ginawa.
Bukod pa rito, binigyang-diin din ni Asec Lacanilao na walang sinumang indibidwal o tauhan ng anumang ahensya ang makakalusot sa mga batas trapiko. "Ang kaligtasan sa kalsada ay responsibilidad ng lahat ng gumagamit ng daanan, kabilang na ang mga naatasan na magpatupad ng kaayusan sa kalsada. Kung sakaling mapatunayang may paglabag na naganap, ipapakita natin na ang LTO ay patas ngunit mahigpit sa pagpapatupad ng mga regulasyon upang mapanatili ang ligtas na paglalakbay para sa lahat ng motorista," aniya.
https://www.facebook.com/share/p/1DLnibtaLj/