09/07/2026
PAGBATI sa mga mag-aaral ng elementarya at Junior High School ng Alternative Learning System Talavera North District na maluwalhating nagsipagtapos at naglipat-antas sa nakaraang 20TH COMMENCEMENT EXERCISES and 7TH MOVING UP CEREMONY na ginanap sa Nagaño Gym, NEUST San Leonardo Campus nitong ika-8 ng Hulyo, 2026.
Sa kabuuang 5 mag-aaral sa elementarya at 31 mag-aaral sa Junior High School na nakapasa sa nakalipas na A & E Examination (regular ALS learners), nilahukan ang pagtitipon na ito ng 4 na mga mag-aaral sa elementarya at 26 na mag-aaral sa Junior High School.
Congratulations sa mga mahuhusay at dedicated na mga mag-aaral ng Talavera North District na nagpamalas ng kanilang sariling galing sa nakalipas na pagsusulit. Ito ay bunga ng inyong pagtitiyaga na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng iba't-ibang pagsubok na inyong kinaharap. Pagpupugay ito sa hindi ninyo pagsuko sa inyong mga pangarap at isang pagkilala sa isang mas magandang bukas na inyong binuo para sa inyong mga sarili!
Maraming salamat din sa mga magulang, kapatid, kamag-anak, asawa, at kasintahan na matiyagang sumuporta sa mga mag-aaral. Higit sa lahat, maraming salamat sa pagkikiisa sa kanilang tagumpay. Hindi man mamutawi ang mga salitang ito sa kanilang mga labi, nawa'y madama ninyo ang kanilang kaligayahan na maibahagi ang kanilang personal na tagumpay sa mga importanteng tao sa kanilang buhay.
Sa mga g**o ng ALS Talavera North District, pagbati sa isa na namang taon ng matagumpay na pagtuturo, at pagbabahagi ng kaalaman at kabutihang asal na naglalayong baguhin ang kinabukasan ng mga kabataang ito. Higit sa mataas na marka, ang tunay na tagumpay ay ang maihanda sila sa mas mabibigat pang hamon na kanilang kakaharapin na sa pagkakataong ito ay baon nila ang paggabay at mga kaalamang kanilang natutunan sa isang taon ng kanilang pag-aaral.
Isang pasasalamat din sa aming punong g**o, Sir Romano Roxas, at sa buong pamunuan ng Talavera Central School FB Page, hindi lamang sa pagkalinga sa mga g**o at mag-aaral ng ALS kung hindi pati na rin sa walang sawang pagbibigay ng suporta sa ating mga g**o. Ang inyong tulong ay nagbigay daan upang mas marami pang mga mag-aaral ang maayos na makapag-aral sa paaralan man o sa kanilang tahanan.
Maraming salamat din po sa aming mahusay at masipag na tagamasid pampurok ng Talavera NORTH District, Ma'am Marivic Burgos sa kanyang matalinong paggabay sa mga g**o ng ALS. Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pagkilala at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating programa na siyang tulay upang mas maging produktibo ang ating mga g**o sa ALS.
Hindi rin matatawaran ang suporta ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating butihin at magaling na punong bayan, Mayor Aries Gaboy Lim. Isang taos pusong pasasalamat ang nais ipaabot ng aming programa sa inyong walang sawang pagbibigay ng tulong sa ating mga mag-aaral. Ang tulong na ito ang nagsisilbing langis na nagpapatakbo ng makinarya ng ating programa at nagbibigay daan upang marating ang mas marami pang mga kabataan at mga adults sa bayan ng Talavera at mabigyan sila ng isa pang pagkakataon na makamit ang kanilang mag pangarap.
Sa kasalukuyan, 20 sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na ito ang ang nagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa Senior High School (formal at ALS) at sa Junior High School (formal at ALS).
Gayundin naman, lubos kaming nagpapasalamat kay Kuya Kenneth Fernandez at sa punong barangay ng San Miguel na Munti, Kap. Elmer Ballesteros, sa pagpapahiram ng sasakyan na ginamit ng mga mag-aaral sa pagpunta at pag-uwi mula sa graduation. Malaking tulong ito upang mas makatipid ang mga mag-aaral at mas maging maayos ang kanilang pagdalo sa pagtitipon.
Salamat din po kay Kuya Randy na matiyagang naghintay at sinig**ong maayos na makakarating ang ating mga mag-aaral papunta at pabalik sa Talavera.
Hindi magiging posible ang mga tagumpay na ito kung wala ang tulong ninyo.
Kaya naman ang pagtatapos na ito ay hindi lamang tagumpay ng mga g**o at mag-aaral kung hindi tagumpay ng paaralan, distrito, pamilya, at ng buong komunidad! Ito ang patunay na ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng iilan kung hindi resulta ng pagtutulungan ng isang buong bayan.
Muli, CONGRATULATIONS ALS Talavera North District!!!
To God be the highest glory for none of this shall be possible without Him.