Bigha-NE

Bigha-NE Bigha-NE is a non-profit organization that aims to provide accurate information and cater to Novo Ecijanos.

Bigha-NE also encourages Novo Ecijanos to register to vote for the 2022 polls.

24/06/2021

Bulag, lumpo, at mag-isang lolo mula sa Sta.Rosa, Nueva Ecija, sinorpresa ng grocery donation ni Senator Kiko Pangilinan!

Nitong 14 Hunyo 2021, nakiusap si “Tatay Pasyo” na siya ay kuhanan ng video para maipaabot sa tanggapan ng senador.
Si Bonifacio Antonino o mas kilala bilang “Tatay/Ka-Pasyo” ay naninirahang mag-isa lamang sa Brgy. Sto.Rosario, Sta.Rosa, Nueva Ecija, na walang pinagkakakitaan at kuryente. Maliban sa kaniyang mahirap na kondisiyon, tinamaan pa siya ng kapansanan mula sa kaniyang pagkabata na: bulag sa kaliwang mata at lumpo sa kanan na mata. Dahil dito, ang tanging mga libangan niya ay alagaan ang kaniyang a*o, at ang pakikinig sa radyo at tumutuon sa programa ni VP Leni Robredo pagka-linggo kaya’t nakilala ang mabusilak na senador.

Sa katandaan ni Ka-Pasyo hindi siya marunong gumamit ng telepono at siya ay pinupuntahan na lamang ng kanyang ministro mula sa kapilya. Naikwento ni tatay Pasyo na sa bahay niya ay dinadaga at linalamok. Ito rin ay madalas pasukin ng ulan. Ang kaniyang banyo naman ay malalim na hukay lamang, at ang kanyang labahan, paliguan, at kulungan ng hayop ay iisang kuwarto lamang. Si tatay ngayon ay umaasa na lamang sa senior center para sa kanyang mga gamot, at sa mga social worker ng bayan para sa kaniyang mga kakainin.

Dahil walang pamilya’t anak si Ka-Pasyo, ang mga volunteer ang nagsilbing kaniyang pamilya nitong Araw ng mga Ama. Nitong Sabado, 19 Hunyo 2021, ay siyang pinatingin sa doktor at inayos ang kaniyang bahay habang siya ay na sa clinic. Laking tuna at galak ni tatay ng makita niyang siya ay may makakaing 20kg ng bigas, mga delata’t noodles; pa-ilaw, hygiene kit, saklay, at beddings. Nang dahil tumugon sa pagtulong si Sen. Kiko, nagsanib puwersa sila ng: LGU ng Sta.Rosa sa pangunguna ni Mayor Otep Angeles at Exec. Assist. Apple Angeles, Sta.Rosa Municipal Police Station, Eagle Community Responders - NE, at ng KATLAHI (LGBTQ+ Community ng Sta.Rosa).

Lubos ang pasasalamat ni Ka-Pasyo pagkat siya ay nabigyang pansin ng kanyang Kaibigan sa Senado!

Address

Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bigha-NE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category