𝙋agπ™Žibol

𝙋agπ™Žibol Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija

September 3, 2026 || HUWEBESKatuwang ang ating tropa, sa pangunguna ni Ginoong Joel Delos Santos, tayo ay naging bahagi ...
04/09/2026

September 3, 2026 || HUWEBES

Katuwang ang ating tropa, sa pangunguna ni Ginoong Joel Delos Santos, tayo ay naging bahagi ng "Kusina ni Nana Maria" sa Barangay Monthly Mass na ginanap sa Barangay Poblacion Sur Chapel.

Sa kabila ng malamig na panahon, panatilihin nating mainit ang ating pananampalataya sa Panginoon.
Ipagkatiwala ang magandang bukas sa Diyos na lumikha nang lahat. πŸ’š

Isang mataimtim na paalala na hangga't ang Panginoon ang sentro ng bawat pangarap at layunin, hinding-hindi tayo mabibigo sa magagandang hangarin. πŸ’›

Mabuhay ang diwa ng Diyos sa ating komunidad, at sa bawat pamilyang PobSureΓ±os! πŸ€πŸ™ŒπŸ»

31/08/2026

ACT OF KINDNESS: Community Feeding Program and Flood-Affected Area Assistance

Sa pangunguna ni Mr. Joel Delos Santos at mga kasama, ang simpleng gawa ng pagmamalasakit ay naging daan upang maipakita ang tunay na diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa sa komunidad.

Sa pagdating ng mga bagyo o kalamidad, ang kabutihan ng puso at malasakit sa kapwa ang nagiging liwanag na nagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan. πŸ’š

Sa bawat pagkaing ibinabahagi, oras na inilalaan, at tulong na ipinapakita, naipaparamdam natin na walang sinuman ang nag-iisa sa panahon ng pagsubok. 🀝

Dahil sa bawat munting gawa ng kabutihan, unti-unti nating nabubuo ang isang komunidad na may malasakit, pagkakaisa, at pag-asa.

Maging dahilan tayo ng pag-asa. Maging kamay ng kabutihan. Sama-sama nating ibahagi ang pagkain, pag-asa, at pagmamahal. ❀️

Tara, Usad Tayo!🌱

πŸ“Œ PUROK 4, Gatmaitan St. Poblacion Sur, Talavera, N.E."Maging bahagi ng solusyon sa suliranin"Ngayong araw ng Biyernes, ...
28/08/2026

πŸ“Œ PUROK 4, Gatmaitan St. Poblacion Sur, Talavera, N.E.

"Maging bahagi ng solusyon sa suliranin"

Ngayong araw ng Biyernes, August 28, 2026, sa pangunguna ni Ginoong Joel Delos Santos at ng kaniyang mga kasama ay ating binigyan pansin ang isa sa matagal nang nais masolusyonan sa Gatmaitan St., ang patuloy na pagbaha.

Nariyan ang mga kliyente ng clinic, mga mag-aaral sa pribadong paaralan, simbahan na dinadaluhan, mga magsasaka na dumadaan patungo sa bukirin, at mga kabahayan na suliranin ang pagbaha tuwing umuulan.

Ngayong araw, sa abot ng ating makakaya ay inihatid natin ang simple subalit malaking kabawasan sa suliranin ng ating mga kababayan.

Sa pagsasa-ayos at paglilinis ng daluyan ng tubig, atin din sinuri kung ano pa ang maaaring maging PANG MATAGALANG SOLUSYON sa suliranin ng ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa pagkakataon na maging bahagi ng solusyon sa usaping pagbaha. Patuloy natin susuyurin ang bawat sulok ng ating komunidad upang maging bahagi ng solusyon. πŸ’›πŸ’š


23/08/2026

ACT OF KINDNESS: Community Feeding Program Part 2 πŸ’›πŸ’š

Patuloy ang pagbabahagi ng malasakit at pagmamahal sa ating komunidad. Sa bawat pagkain na ating naiaabot, may kasamang pag-asa, saya, at kalinga. 🍚❀️

Inaanyayahan ang lahat na maging bahagi ng aming Community Feeding Program. Kahit konting oras ang maibigay, malaking bagay na ito para sa ating komunidad.

Sa pangunguna ni Mr. Joel Delos Santos at mga kasama, patuloy nating isinusulong ang diwa ng pagtutulungan, pagkakaisa, at pagmamalasakit. Sama-sama nating ipakita na ang simpleng kabutihan ay may malaking epekto sa buhay ng iba.

Tara, makiisa, maging volunteer, at maging bahagi ng pagbabago. Dahil sa bawat pusong handang tumulong, mas nagiging makulay at mas makatao ang ating komunidad. πŸ’›πŸ€



Mga tropa, nandito na ulit ang ating kasama. 🀠Sa pagbabalik natin sa Purok 7B, patuloy natin aagapan ang suliranin ng pa...
21/08/2026

Mga tropa, nandito na ulit ang ating kasama. 🀠

Sa pagbabalik natin sa Purok 7B, patuloy natin aagapan ang suliranin ng pagbaha sa bawat sulok ng ating komunidad.

Salamat muli, Ginoong Joel Delos Santos πŸ’›

Tuloy-tuloy na pag-ulan, kaya't tuloy-tuloy rin ang ating pag tulong ngayong Biyernes (August 21, 2026) πŸ’›Maraming salama...
21/08/2026

Tuloy-tuloy na pag-ulan, kaya't tuloy-tuloy rin ang ating pag tulong ngayong Biyernes (August 21, 2026) πŸ’›

Maraming salamat, Ginoong Joel Delos Santos at sa ating mga kabalikat sa pagtutulungan upang maihandog sa ating mga mamamayan sa komunidad ang simpleng tulong na pagtatambak ng lupa sa binabahang mga lugar.

Salamat din sa pagkakataon na kayo ay matulungan, mula sa Purok 1 ng Barangay Poblacion Sur, Jimenez Compound/Residence.

Patuloy nating susuyurin ang bawat sulok ng komunidad sa abot ng ating makakaya para sa ating munting tulong.


Mainit na lugaw ba ang hanap?Halina't π™‚π™π™ˆπ™„π™Žπ™„π™‰π™‚ at mag-inat, sama-sama natin salubungin ang pagdating ng π˜Όπ™π˜Όπ™’ πŸŒžπŸ€ πŸ“Œπ™‡π™π™‚π˜Όπ™’ 𝙉𝙂...
16/08/2026

Mainit na lugaw ba ang hanap?
Halina't π™‚π™π™ˆπ™„π™Žπ™„π™‰π™‚ at mag-inat, sama-sama natin salubungin ang pagdating ng π˜Όπ™π˜Όπ™’ 🌞🀠

πŸ“Œπ™‡π™π™‚π˜Όπ™’ 𝙉𝙂 π™‹π˜Όπ™‚π™†π˜Όπ™†π˜Όπ™„π™Žπ˜Ό
KalyeSerye 1

"Hatid ay BUSOG at PAG-ASA sa bawat pamilya"

UMUSAD nang muli ang ating samahan na hatid ay bayanihan. Sama ka. Ano, tara? 🀠

Mainit na lugaw sa panahon na maginaw. 🍲

Ito ang simpleng handog na pagKALINGA sa ating komunidad,
at sa bawat kuwentuhan ay hatid ang MALASAKIT sa kapwa.

Masarap bang lugaw ang hanap?

Sa π™‹π˜Όπ™‚π™Žπ™„π˜½π™Šπ™‡ at pag dating ng π˜Όπ™π˜Όπ™’πŸŒž, patuloy pa tayong π™Žπ™π™Žπ™π™‡π™Šπ™‰π™‚ sa bawat sulok ng ating komunidad sa susunod na mga araw.

Kita-kitss, mga ka-barangay. πŸ˜‰


πŸ“Œ PUROK 7B, Poblacion Sur, Talavera, N.E. (Part 4)Paunti-unti subalit Progreso ang hatid. Sapagka't sa maliit nagsisimul...
08/08/2026

πŸ“Œ PUROK 7B, Poblacion Sur, Talavera, N.E. (Part 4)

Paunti-unti subalit Progreso ang hatid. Sapagka't sa maliit nagsisimula ang malaki.

Maraming salamat po sa pagkakataon na kami ay maging bahagi ng solusyon sa inyong problema.

Salamat pong muli, Ginoong Joel Delos Santos at sa kaniyang mga kasama sa patuloy at tuloy-tuloy na PAG-USAD. πŸ’š

Liblib man o bahayan, patuloy nating aabutin sa paghakbang, at sabay-sabay na uusad tungo sa mas asensadong kinabukasan.


πŸ“Œ PUROK 7B, Poblacion Sur, Talavera, N.E. (Part 3)"May madadaanan na ang mga estudyante at ating kabarangay" πŸŽ’Hindi na m...
08/08/2026

πŸ“Œ PUROK 7B, Poblacion Sur, Talavera, N.E. (Part 3)

"May madadaanan na ang mga estudyante at ating kabarangay" πŸŽ’

Hindi na magiging sagabal ang baha lalo na sa mga estudyanteng may pangarap.

Sa simpleng pagbubuhos ng buhangin ay ginhawa ang dulot sa ating mga kababayan.

Maraming salamat pong muli sa ating PUNONG BAYAN, MAYOR Aries Gaboy Lim sa iyong karagdagang tulong na ibinigay para sa ating mga kababayan. Gayundin sa pamamagitan ni Ginoong Joel Delos Santos at sa kaniyang mga kasama. πŸ’š

Liblib man o bahayan, patuloy nating aabutin sa paghakbang, at sabay-sabay na uusad tungo sa mas asensong kinabukasan.


πŸ“Œ PUROK 7B, Poblacion Sur, Talavera, N.E. (Part 2)Walang liblib na lugar upang 'di maabot ng ating tulong.Maraming Salam...
08/08/2026

πŸ“Œ PUROK 7B, Poblacion Sur, Talavera, N.E. (Part 2)

Walang liblib na lugar upang 'di maabot ng ating tulong.

Maraming Salamat muli, Purok 7B, sa isa pang pagkakataon na muling makatulong sa simpleng paraan na pagbubuhos ng buhangin sa inyong purok upang maging solusyon sa patuloy na pagbaha.

Maraming maraming salamat po sa ating PUNONG BAYAN, MAYOR Aries Gaboy Lim sa iyong karagdagang tulong na ibinigay para sa ating mga kababayan. Gayundin sa pamamagitan ni Ginoong Joel Delos Santos at sa kaniyang mga kasama. πŸ’š


Address

Poblacion Sur
Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝙋agπ™Žibol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share