19/08/2026
🤝 RETOOLED COMMUNITY SUPPORT PROGRAM |PAG-ASA SERBISYO CARAVAN BARANGAY DIMASALANG NORTE
Isinagawa ang "Retooled Community Support Program (RCSP)"sa Barangay Dimasalang Norte, Talavera, Nueva Ecija, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mga programa, serbisyo, at oportunidad para sa ating mga kababayan.
Layunin ng programa na mailapit sa komunidad ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaan, makatulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente, at magbigay ng mga oportunidad para sa trabaho, kabuhayan, at pag-unlad ng komunidad.