23/04/2026
Isang mapagpala at magandang umaga po sa ating lahat mga kaBarangay! Ipinapaabot po sa ating kaalaman sa pangunguna po ng mga Senior Citizen at ng Pamahalaang Bayan ng Talavera katuwang po ang ating Kapitan at mga Konsehal ay muli pong maglulunsad ng NATIONAL ID CARAVAN sa ating barangay. Ito po ay gaganapin sa ika-24 ng Abril araw ng Biyernes mula po 9:00am hanggang 3:00pm. Magtungo lamang po kayo sa ating Brgy. Hall at magdala ng Birth Certificate para sa edad 5 at ID o iba pang pagkakakilanlan sa mga nais kumuha. Maraming salamat po!