DAR Quezon I Provincial Office

DAR Quezon I Provincial Office DAR Quezon I Provincial Office is the lead implementing agency of the agrarian reform program in the 1st and 2nd congressional districts of Quezon.

The Department of Agrarian Reform (DAR) leads the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through land tenure improvement, agrarian justice, and coordinated delivery of essential support services to client-beneficiaries.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Matagumpay na naipresenta ang Inclusive Partnerships for Agrarian Reform Communities (IPARC) Project sa Lokal ...
23/06/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Matagumpay na naipresenta ang Inclusive Partnerships for Agrarian Reform Communities (IPARC) Project sa Lokal na Pamahalaan ng Lucban bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang pakikipagtuwang sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapaunlad ng mga Agrarian Reform Communities (ARCs).

Pinangunahan ng DAR Quezon I Provincial Office ang nasabing presentasyon sa pangunguna ni CARPO for Program Beneficiaries Development Division (PBDD) Jasper Christian L. Maralit, kasama ang mga kinatawan ng LGU Lucban.

Sa pagpupulong, masusing tinalakay ang mga layunin, saklaw, kaukulang pondo, at rasyonal ng IPARC Project, na nakatuon sa paghahatid ng mga kinakailangang suportang serbisyo at interbensyon upang mapataas ang produktibidad ng mga magsasaka, mapalakas ang mga organisasyon ng agrarian reform beneficiaries, at mapasigla ang pag-unlad ng kanayunan.

Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ugnayan sa LGU Lucban, higit na napagtitibay ang sama-samang pagtutulungan ng mga stakeholder sa pagpapatupad ng mga programang magdudulot ng inklusibo, sustenable, at pangmatagalang kaunlaran para sa mga Agrarian Reform Communities at kanilang mga mamamayan.

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Matagumpay na isinagawa ang Gender-Responsive Agri-Credit Program Readiness and Financial Management Training ...
23/06/2026

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Matagumpay na isinagawa ang Gender-Responsive Agri-Credit Program Readiness and Financial Management Training para sa mga kasapi ng Manggalang Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (MARBENCO) noong Hunyo 11, 2026 sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Pinangunahan ng DAR Quezon I Provincial Office, sa pakikipagtulungan sa Land Bank of the Philippines, ang naturang pagsasanay upang higit na mapalakas ang kahandaan ng mga Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) sa pag-access ng mga programa sa pautang at mapahusay ang kanilang kakayahan sa responsableng pamamahala ng pondo.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, nadagdagan ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa wastong pagba-budget, paghawak ng pananalapi, at paggawa ng mga desisyong pangkabuhayan na isinasaalang-alang ang pagkakapantay-pantay at inklusibong partisipasyon ng kababaihan at kalalakihan. Layunin din nitong palakasin ang katatagan ng mga kooperatiba at itaguyod ang mas produktibo, sustenable, at gender-responsive na kabuhayan para sa mga agrarian reform beneficiaries at kanilang mga komunidad.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Muling binuo ng DAR Quezon I ang Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) sa Brgy. Ayuti, Lucban, Quezon nito...
22/06/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Muling binuo ng DAR Quezon I ang Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) sa Brgy. Ayuti, Lucban, Quezon nitong Hunyo 5, 2026.

Ang pagpapatatag na ito sa komite ay isinakatuparan ng DAR Quezon I, katuwang ang mga opisyal ng barangay, upang mas mapabilis ang paghahatid ng suportang teknikal, paggabay, at pagresolba sa mga lokal na usaping agraryo ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Sa pamamagitan ng pagbubuklod na ito, tinitiyak ang mas tapat at tuloy-tuloy na daloy ng serbisyo para sa kaunlaran ng mga magsasaka sa lokal na antas.

𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 | Kasunod ng ating mga naitampok na kwento ng tagumpay, ating ipinagmamalaki ang testimonya ni G. Efre...
21/06/2026

𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 | Kasunod ng ating mga naitampok na kwento ng tagumpay, ating ipinagmamalaki ang testimonya ni G. Efren M. Villason, isang masipag na Agrarian Reform Beneficiary (ARB) mula sa Isla ng Jomalig, Quezon.

Para kay G. Villason, ang pagdiriwang ng 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟮𝟴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 ay nagkaroon ng mas malalim at totoong kahulugan nang mapasakamay niya ang kanyang Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa pamamagitan ng Serbisyong PaanDAR Caravan. Ang piraso ng papel na ito ang naging susi upang tuluyang mabura ang mga lumang pinansyal na obligasyon na kay tagal dinala ng kanyang pamilya.

Salamat sa bisyon nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado M. Estrella III sa paghango sa ating mga bayani ng bukid tungo sa isang masaganang kinabukasan.

Mabuhay ang ating mga magsasaka! 🇵🇭

18/06/2026
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Isang masusing reorganisasyon ng Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) ang matagumpay na isinagawa nitong ...
18/06/2026

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Isang masusing reorganisasyon ng Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) ang matagumpay na isinagawa nitong Hunyo 4, 2026 sa Brgy. San Miguel, Mauban, Quezon.

Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan upang muling mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng ahensya at ng komunidad. Sa pamamagitan nito, mas madaling mailalapit sa mga ARB ang mga legal at teknikal na gabay na kailangan sa pagpapatupad ng repormang agraryo.

Ang pagpapatatag na ito ay bahagi ng krusada na matiyak ang mabilis at maayos na paghahatid ng serbisyo para sa ikauunlad ng ating mga magsasaka sa kanayunan.

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Bilang bahagi ng patuloy na pag-alalay sa mga komunidad, matagumpay na isinagawa ng DAR Quezon I Provincial Of...
17/06/2026

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Bilang bahagi ng patuloy na pag-alalay sa mga komunidad, matagumpay na isinagawa ng DAR Quezon I Provincial Office ang Sustainability Monitoring and Evaluation (SME) sa Barangay Tumbaga I, Sariaya, Quezon noong ika-11 ng Hunyo, 2026.

Katuwang ang mga opisyal ng barangay, sinuri ng grupo ang mga natapos at kasalukuyang proyektong imprastraktura at pangkabuhayan sa nasabing lugar. Layunin ng aktibidad na ito na tiyakin na ang bawat pasilidad at suportang serbisyo ay nasa maayos na kondisyon, nagagamit nang wasto, at tunay na naghahatid ng pangmatagalang benepisyo para sa ating mga magsasaka.

Patuloy ang pagtutulungan ng DAR Quezon I at ng lokal na pamahalaan upang masiguro na ang ating mga Agrarian Reform Communities (ARCs) ay nananatiling matatag, produktibo, at maunlad.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Bahagi pa rin ng malawakang hakbangin ng DAR Quezon I Provincial Office ang muling pag-oorganisa ng Barangay A...
17/06/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Bahagi pa rin ng malawakang hakbangin ng DAR Quezon I Provincial Office ang muling pag-oorganisa ng Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) sa Brgy. Baao, Mauban, Quezon, nitong Hunyo 9, 2026.

Gaya ng sa unang bahagi ng serye, ang muling pagpapatatag ng BARC sa Barangay Baao ay naglalayong mas mapabilis ang koordinasyon ng ahensya sa komunidad, mapalakas ang pamamagitan sa mga usaping agraryo, at gabayan ang ating mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa kanilang mga karapatan at obligasyon.

Sa pamamagitan ng magkakasunod na pag-oorganisang ito sa mga barangay ng Mauban, patuloy na pinatutunayan ng DAR Quezon I na walang komunidad ang maiiwan sa layuning maihatid ang tapat, mabilis, at maaasahang serbisyong agraryo sa bawat sulok ng lalawigan.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Matagumpay na nagtungo ang DAR Quezon I Provincial Office sa Barangay Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon up...
16/06/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Matagumpay na nagtungo ang DAR Quezon I Provincial Office sa Barangay Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon upang ihatid ang programang Program Beneficiaries Development (PBD) Lawyering para sa mga kasapi ng Golden Harvest Farmers Association.

Layunin ng gawaing ito na mabigyan ang ating mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) at kanilang mga organisasyon ng libreng legal na gabay, konsultasyon, at kaalaman ukol sa mga patakaran ng kooperatiba, pamamahala ng samahan, at mga usaping legal na may kinalaman sa kanilang pangkabuhayan.

Sa pamamagitan ng paglalapit ng mga serbisyong legal at teknikal na ito sa kanayunan, patuloy na sinisiguro ng DAR Quezon I na protektado ang karapatan at mas pinalalakas ang kapasidad ng ating mga lokal na magsasaka tungo sa isang matatag at maunlad na organisasyon.

16/06/2026

𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗔𝗿𝗿𝗮𝗻𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗿𝘂𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻

Dahil sa patuloy na pagsasaayos ng linya ng kuryente sa DAR Quezon I Provincial Office, ipatutupad ang 𝗪𝗼𝗿𝗸-𝗳𝗿𝗼𝗺-𝗛𝗼𝗺𝗲 (𝗪𝗙𝗛) 𝗮𝗿𝗿𝗮𝗻𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀, 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗠𝗶𝘆𝗲𝗿𝗸𝘂𝗹𝗲𝘀, para sa mga itinakdang kawani habang mananatili ang 𝘀𝗸𝗲𝗹𝗲𝘁𝗮𝗹 𝘄𝗼𝗿𝗸𝗳𝗼𝗿𝗰𝗲 sa opisina upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo.

Para sa mga katanungan at iba pang transaksyon, maaari pa ring makipag-ugnayan sa page na ito o tumawag sa 𝟬𝟵𝟭𝟲-𝟳𝟬𝟬-𝟳𝟴𝟬𝟲.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan!

Address

Sitio Fori, Barangay Talipan
Talipan
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639218844438

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAR Quezon I Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAR Quezon I Provincial Office:

Share