26/08/2026
𝐁𝐅𝐀𝐑4𝐀 𝐚𝐭 𝐋𝐆𝐔 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲, 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚𝐚𝐧
Taos-pusong nagpapasalamat ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 4A sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay, Batangas sa bukas-palad nitong suporta at pagkakaloob ng 500-square-meter na lote para sa pagtatayo ng BFAR4A-Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station.
Agosto 24, 2026, pormal na nilagdaan ang Deeds of Donation sa pagitan ng BFAR4A at ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay.
Dahil dito mas mapapalakas ang paghahatid ng mga serbisyo, teknolohiya, at programa sa inland fisheries sa Talisay at mga karatig na lugar. Layunin nitong makatulong sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga lokal na mangingisda at fishery stakeholders, habang isinusulong ang responsableng paggamit at pangangalaga sa Lawa ng Taal at iba pang katubigan sa rehiyon.
Sama-sama para sa mas produktibo, matatag, at sustenableng pangisdaan! 🐟🌱