08/03/2026
📣1st Semester Barangay Assembly❤️
✅Matagumpay na naisagawa ang 1st Semester Barangay Assembly ng Pamahalaang Barangay Sta. Elena headed by Punong BarangayJijune Mago Kasama ng kanyang mga kagawad na may temang “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kapayapaan at Kaunlaran.”
🦋Dinaluhan ito ng mga mamamayan ng barangay kasama ang mga panauhing tagapagsalita mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP, BFP, DILG, NURSE at iba pang katuwang ng barangay sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa komunidad.
🦋Sa nasabing pagtitipon ay naipresenta ang mga ulat ng Pamahalaang Barangay, kabilang ang mga programa at proyekto sa kalusugan, solid waste management, kapayapaan at kaayusan, at VAWC, gayundin ang mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
🙏Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay sa lahat ng mga mamamayan na dumalo at nakiisa sa barangay assembly. Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng ating pagkakaisa para sa mas maayos, mas malinis, at mas maunlad na Barangay Sta. Elena❤️
🙏Maraming salamat din sa ating mga panauhin at katuwang na ahensya sa patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa ng ating barangay.
📣Sama-sama tayo tungo sa mas maunlad at nagkakaisang komunidad❤️