07/08/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ฃ-๐ก๐๐ฅ ๐๐ฉ๐๐๐ญ๐๐ฌ| Bilang patunay ng patuloy na pagsusulong ng isang mas matatag at mas epektibong sistema ng pagtugon sa mga insidente ng sunog at iba pang sakuna, nagsagawa ang Bureau of Fire Protection ng isang makabuluhang pagpupulong kasama ang iba't ibang Fire Volunteer Associations sa BFP National Headquarters sa Quezon City upang higit pang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng Bureau at ng mga boluntaryong katuwang nito. Sa pangunguna ni Officer-in-Charge ๐๐๐ฆ๐จ๐ฃ๐ง ๐ช๐๐๐๐๐ฅ๐ง๐ข ๐ฅ๐๐๐ข ๐ก๐๐๐ ๐ ๐๐ช๐๐ก ๐ง๐๐จ at DILG Undersecretary for Public Safety ๐จ๐ฆ๐๐. ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ธ ๐ ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ผ๐ด, na kung saan dumalo rin rin si DILG BFP-NIR Acting Regional Director ๐๐ฆ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ง ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐ ๐๐๐ฅ๐ง๐, binigyang-diin sa isinagawang bukas na talakayan ang kahalagahan ng pagkakaisa, malinaw na komunikasyon, at sama-samang pananagutan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat pamayanan.
Ang aktibong pakikilahok ng iba't ibang samahan ng mga volunteer firefighters ay sumasalamin sa iisang layunin na makapaghatid ng mas mabilis, mas mahusay, at mas organisadong serbisyong pangkaligtasan. Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa mga volunteer organizations, muling pinagtitibay ng Bureau of Fire Protection ang paninindigan nitong isulong ang isang ligtas, matatag, at handang Bagong Pilipinas, kung saan ang bayanihan at malasakit ay nananatiling pundasyon ng tunay na serbisyo publiko.