Barangay Culiat, Talugtug, Nueva Ecija

Barangay Culiat, Talugtug, Nueva Ecija at your service

Successful participation in the 2026 Liga ng mga Barangay Capability Development Activity with the theme:“FROM PLANNING ...
06/09/2026

Successful participation in the 2026 Liga ng mga Barangay Capability Development Activity with the theme:
“FROM PLANNING TO ACTION: Review, Enhance, Align, Develop, Yield (R.E.A.D.Y.)”
A meaningful and productive activity focused on crafting and revising Barangay Plans—including CapDev, BRRM, and GAD—to strengthen our programs and services for the community.

Maraming salamat sa Liga ng mga Barangay – Talugtug for this valuable learning experience and for continuously empowering our barangay officials. 🙏💚

📍 BARANGAY PROJECT COMPLETEDMatagumpay na natapos ang konstruksyon ng ating Barangay Waiting Shed.Isang proyekto na magb...
03/05/2026

📍 BARANGAY PROJECT COMPLETED
Matagumpay na natapos ang konstruksyon ng ating Barangay Waiting Shed.

Isang proyekto na magbibigay ng mas maayos, ligtas, at komportableng hintayan para sa ating mga kabarangay.

Regular Monthly Session Dated May 02, 2026
03/05/2026

Regular Monthly Session
Dated May 02, 2026

Mula po sa buong pamunuan ng Barangay Culiat sa pangunguna ng ating Punong Barangay Ronnel Febrero  ay lubos na  nagpapa...
03/05/2026

Mula po sa buong pamunuan ng Barangay Culiat sa pangunguna ng ating Punong Barangay Ronnel Febrero ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na Brgy. Culiat Zumba Fiesta Marathon.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa ating sponsors and organizers na sina Vice Mayor Hon. Floro Pagaduan Jr. at Ma’am Jennifer Agpalo Pagaduan, SBM Fe C. Cargamento, Ma'am Nolly De Vera Agpalo with SBM Gerry Agpalo, at Ma'am Joy D. Cinense with SBM Edwin Cinense Jr., na naging malaking bahagi sa tagumpay ng programang ito.

Maraming salamat sa ating Special Guest na si ZIN Grace Antolin, pati na sa lahat ng participants na nagbigay-sigla at saya sa ating selebrasyon.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa.
Maraming salamat po!

Sa matagumpay na pagdiriwang ng Panagyaman 2026: 58th Founding Anniversary,  Ang buong Pamunuan ng Barangay Culiat sa pa...
03/05/2026

Sa matagumpay na pagdiriwang ng Panagyaman 2026: 58th Founding Anniversary, Ang buong Pamunuan ng Barangay Culiat sa pangunguna ng ating Punong Barangay Ronnel Febrero ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng okasyong ito.

Taus puso po kaming nagpapasalamat kina Hon. Gov. Aurelio Umali, Hon.Cong. Mario "Kokoy" Salvador, Hon.Cong. JP Padiernos, at kay Hon.Board Member Dindo Dysico sa kanilang mahalagang suporta.

Lubos din po ang aming pagkilala sa ating Municipal Mayor Hon.Pacifico B. M***a para sa ipinagkaloob na Live Band and Combo, gayundin sa ating Municipal Vice Mayor Hon. Floro Pagaduan Jr. Sa pag sponsor ng Culiat Zumbarangay, sa lahat ng mga Sangguniang Bayan Members na sumuporta mula umaga hanggang gabi ng selebrasyon, at sa mga LNB na pinapangunahan ni LNB President Carlito Flora na patuloy na sumusuporta sa ating mga programa.

Sa iba pang stakeholders (CUSTA) (CASACCAFFT IA), sponsors, donors, at partners (CES Fam headed by Sir Michael Cargar) na walang sawang sumuporta. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Sa aming mga opisyal ng barangay, volunteers, performers, at bawat mamamayan, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong pakikiisa at aktibong partisipasyon.

Ang Panagyaman ay hindi lamang isang selebrasyon, kundi simbolo ng ating pagkakaisa, pasasalamat, at pagmamahal sa ating barangay.

💚 Maraming salamat po sa inyong lahat! Hanggang sa susunod pang mas masaya at mas makabuluhang pagdiriwang!

02/05/2026

🌟 𝐄𝐬𝐩𝐞𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 🌟

Mula noon hanggang ngayon, patuloy ninyong ipinapakita ang malasakit at tapat na paglilingkod para sa ating mga kababayan lalo na sa lalawigan ng Nueva Ecija. ❤️🤝✨

Nawa’y patuloy pa kayong pagpalain ng kalakasan, gabay, at inspirasyon upang magpatuloy sa inyong paglilingkod sa bayan. 🙏🌾💫

💙🌾🎂 Happy Birthday Cong. GP! 🎉🎈



Address

Talugtug
Talugtug
3118

Telephone

+639914564051

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Culiat, Talugtug, Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Culiat, Talugtug, Nueva Ecija:

Shortcuts

Share