Barangay Health Station - Tablu

Barangay Health Station - Tablu Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Health Station - Tablu, Government Organization, Barangay Tablu, Tampakan.

11/10/2024
OCTOBER 11, 2024 | BAKUNA ESKWELA (School-Based Immunization) ORIENTATIONNagpahigayon og Bakuna Eskwela Orientation ang ...
11/10/2024

OCTOBER 11, 2024 | BAKUNA ESKWELA (School-Based Immunization) ORIENTATION

Nagpahigayon og Bakuna Eskwela Orientation ang mga DOH-HRH Nurse ug Midwife karong adlawa sa Tablu National High School subay sa gipahigayon nga General Assembly sa maong tulunghaan.

Ginapaabot ug ginapasabot sa mga health worker kung unsa ang importansya ug benepisyo sa pagpabakuna sa mga estudyante isip proteksyon batok sa Vaccine-Preventable Diseases (VPDs) o mga sakit nga pwede malikayan kung ang mga kabataan adunay igong bakuna ug proteksyon. Ang mga VPD o mga sakit sama sa:

✅ Measles o Tigdas
✅ Rubella o Tigdas Hangin
✅ Dipterya
✅ Tetanus, ug
✅ Cervical Cancer

Ginahangyo ug gina-awhag ang mga ginikanan nga pa-BAKUNAHAN ug Measles-Rubella and Tetanus Diphtheria (MR Td) ang mga estudyante sa Grade 1 ug Grade 7, ug Human Papilloma Virus Vaccine (HPV Vaccine) ang tanan babae nga Grade 4 aron sa dugang proteksyon ug pagpakusog sailang resistensya batok sa makatakod ug makamatay nga sakit.


Ano ba ang Bakuna Eskwela?Alamin ang mga bakunang ibibigay sa mga estudyante sa Bakuna Eskwela! 🌟Protektahan sila mula s...
05/10/2024

Ano ba ang Bakuna Eskwela?
Alamin ang mga bakunang ibibigay sa mga estudyante sa Bakuna Eskwela! 🌟

Protektahan sila mula sa mga sakit tulad ng Tigdas, Rubella, Tetanus, Diphtheria, at HPV! Ihanda ang mga bata bago ang araw ng pagbabakuna—huwag kalimutang pirmahan ang kanilang consent form!
Ang mga bakunang ibibigay ay Ligtas, Epektibo at Libre sa mga pampublikong paaralan.

Mag-uumpisa na ngayong Oktubre sa mga pampublikong paaralan. Agad nang kumilos at siguruhing mabakunahan ang inyong mga anak!


Mga Mommy at Daddy,Ihanda ang inyong mga anak para sa Bakuna Eskwela! 🤲Ito ay programa ng Kagawaran ng Kalusugan sa paki...
27/09/2024

Mga Mommy at Daddy,
Ihanda ang inyong mga anak para sa Bakuna Eskwela! 🤲

Ito ay programa ng Kagawaran ng Kalusugan sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon, na layuning protektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng Measles, Rubella, Tetanus, Diphtheria, at Human Papilloma Virus (HPV).

Ngayong Oktubre, pabakunahan na ang inyong mga anak sa mga public elementary schools.. Pirmahan na ang consent form para sila ay mapa-bakunahan!

💉 Ligtas, epektibo, at libre ang mga bakunang ito.


TINGNAN: MATAGUMPAY NA NATAPOS ANG AKTIBIDAD NA LIBRENG CHEST X-RAY.Matagumpay ang aktibidad na Libreng Chest X-ray sa B...
17/08/2024

TINGNAN: MATAGUMPAY NA NATAPOS ANG AKTIBIDAD NA LIBRENG CHEST X-RAY.

Matagumpay ang aktibidad na Libreng Chest X-ray sa Brgy. Tablu, Tampakan, South Cotabato noong huwebes, Agosto 15, 2024.

Maraming salamat sa lahat ng aktibong nakilahok at nakiisa sa Libreng Chest X-ray kung saan nakapagtala ang aktibidad ng 92 na indibidwal ang nakapagpa-X-ray kasama na ang mga indibidwal na nasa kategoryang "high risk". Malaki ang tulong ng libreng serbisyong hatid ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) - South Cotabato - Disease and Infectious Control Unit upang malaman ang "lung health" ng mga residente at matukoy kung sino ang nangangailangan ng agarang paggamot upang mapuksa ang nakakahawang mikrobyo dala ng Mycobacterium tuberculosis.

Lubos din ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta ng opisyales ng Brgy. Tablu na pinamumunuan ni Hon. Gloria P. Magbanua, Punong Barangay. Gayundin ang aming pasasalamat sa Municipal Health Office - Tampakan na pinamumunuan ni Municipal Health Officer Dr. Gillian Joy P. Tedera, RN, MD at Public Health Nurse/National Tuberculosis Program Coordinator na si Ms. Gemille May M. Lopez, RN.

Maraming salamat din sa mga masisipag na nars at mga kumadrona mula sa Department of Health - Human Resources for Health (DOH-HRH) - South Cotabato na sina Ivy G. Masongsong, RN, Merry Joy G. Casagda, RM, at Leonard A. Castañares, RM kasabay ang mga aktibong Barangay Health Workers (BHW) , Barangay Nutrition Scholar (BNS), Barangay Sanitary Inspector (BSI), at mga Provincial Health Navigators. Hindi magiging matagumpay ang aktibidad na ito kung wala ang suporta ng bawat isa.

Maraming salamat at nawa'y sa susunod pa na mga programang pang-kalusugan, patuloy ang inyong suporta.

[ANUNSYO: LIBRENG CHEST X-RAY]USWAG, TABLU! Paalala sa lahat ng residente ng Barangay Tablu, ang ating programang LIBREN...
06/08/2024

[ANUNSYO: LIBRENG CHEST X-RAY]

USWAG, TABLU!

Paalala sa lahat ng residente ng Barangay Tablu, ang ating programang LIBRENG CHEST X-RAY ay gaganapin na sa darating na Agosto 15, 2024, Hwebes, simula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali sa Barangay Tablu Gymnasium.

Hinihikayat na magpa chest x-ray ang mga sumusunod na residente:

✅Mga Senior Citizen
✅Mga naninigarilyo o smoker
✅ Residenteng may kinakasama sa bahay na TB Positive;
✅ Residenteng may ubo na higit sa dalawang (2) linggo;
✅ Residenteng umuubo na may kasamang dugo ang plema;
✅ Residente na biglaan ang pagpayat o biglaan ang pag bawas ng timbang;
✅Residenteng labis-labis na pagpapawis tuwing gabi
✅Residenteng may pabalik-balik na ubo at;
✅Residenteng nakakaranas ng pananakit ng likod.

In partnership with Department of Health and Provincial Government of South Cotabato.

02/06/2024

Protect the children against To***co Industry Interference!

Ang Kagawaran ng Kalusugan ay nananawagan para sa ating sama-samang paglaban sa banta ng tabako at v**e bilang tugon sa ating tungkulin bilang mga magulang at lider ng ating komunidad upang protektahan ang kalusugan at kinabukasan ng ating kabataan.

Wag magpaloko! Wag magyosi, wag mag-v**e. Siguraduhing healthy ang inyong pamilya. Tumawag sa 1558 (DOH Quitline) para sa karagdagang tulong.

Sa bisyo, walang panalo!

The official page of the Department of Health in the Philippines

TINGNAN: BRGY. TABLU NAKAMIT ANG 2.9% SA UNANG ISKEDYUL NG BLOOD LETTING ACTIVITY| MAY 16, 2024.Matagumpay na nakapagtal...
17/05/2024

TINGNAN: BRGY. TABLU NAKAMIT ANG 2.9% SA UNANG ISKEDYUL NG BLOOD LETTING ACTIVITY| MAY 16, 2024.

Matagumpay na nakapagtala ang Brgy. Tablu ng 2.9% sa unang iskedyul ng Blood Donation Program na pinangunahan ni Brgy. Captain Hon. Gloria P. Magbanua kasama ang South Cotabato Provincial Hospital Blood Bank, Tampakan Municipal Health Office na pinangunahan ni Dr. Gillian Joy P. Tedera, RN, MD at RHU-Tampakan Laboratory na pinangunahan ni Ma'am Jovi G. Gelio, Medical Technologist II kasama ang buong suporta ni Municipal Mayor Leonard T. Escobillo, RN.

Katuwang din ng programang ito ang Department of Health Center for Health Development XII (DOH CHD 12). Hindi rin maaabot ang target ng programang ito kung walang matibay na ugnayan sa komunidad ang mga naka-assign na Human Resource for Health (DOH-HRH) health care providers na sina Merry Joy G. Casagda, RM
Leonard A. Castañares, RM at
Ivy G. Masongsong, RN.

Extend a Life 🫀
Share a Blood 🩸



Makilahok at makiisa.USWAG, TABLU!ANO: BLOOD LETTING ACTIVITY KAILAN: May 16, 2024 | 8:00am-11:00amSAAN: Brgy. Tablu Cov...
12/05/2024

Makilahok at makiisa.
USWAG, TABLU!

ANO: BLOOD LETTING ACTIVITY
KAILAN: May 16, 2024 | 8:00am-11:00am
SAAN: Brgy. Tablu Covered Court

SINO ANG MAAARING MAG-DONATE NG DUGO?
✅ May edad 18-65 taong gulang.
✅ May timbang na hindi baba sa 50 kilos
✅ Malusog at maayos na pangangatawan (pasado sa physical assessment ng nars o midwife).
✅ May normal na blood pressure (90/60mmHg - 120/80mmHg)

SINO ANG BAWAL MAG-DONATE NG DUGO?
❌ Indibidwal na under medication o may mga maintenance.
❌ Para sa mga babae, may regla o menstruation sa araw ng blood donation (depende kung papasa sa hemoglobin screening)
❌ Mga may tattoo o body piercing sa nakaraang isang taon.
❌ Mga nakainom ng alak sa nakalipas na 2 araw bago ang blood donation.
❌ May mga malubhang karamdaman gaya ng:
• HEPATITIS B or C
• HIV Infection
• HEART DISEASE
• LUNG PROBLEM

ANO ANG MGA DAPAT GAWIN BAGO MAG-DONATE NG DUGO?
📌 Siguraduhing may sapat na tulog at pahinga
📌 Kumain ng masustansyang pagkain (iwasan muna ang matataba at mamantikang pagkain).
📌 Uminom ng maraming juice o tubig.

ANO ANG MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS MAG-DONATE NG DUGO?
📌 Magpahinga.
📌 Kumain ng masustansyang pagkain.
📌 Uminom ng maraming juice o tubig.

EXTEND A LIFE.
SHARE A BLOOD.




PS: Para sa karagdagang katanungan at impormasyon, pumunta lamang sa Barangay Health Center Tablu - A o sa BHS Snip at kausapin ang iyong health care provider.

02/05/2024
Mga Bakunanay at PapaVaccine! Protektahan si baby laban sa mga vaccine preventable diseases tulad ng •TB Meningitis• Dip...
16/04/2024

Mga Bakunanay at PapaVaccine! Protektahan si baby laban sa mga vaccine preventable diseases tulad ng

•TB Meningitis
• Dipterya
• Tetano
• Pertussis
• Hepatitis B
• Pulmonya
• Polio
• Measles
• Rubella
• H influenza B
• Pneumococcal diseases

Siguraduhing walang batang mao-ospital o mamatay dahil sa sakit na kayang maiwasan sa tulong ng bakuna.
LIGTAS, LIBRE at MABISA ang mga bakuna sa pinakamalapit na heallth center sa inyong lugar.

Kumpletuhin ang bakuna ni baby. Alamin ang iba’t ibang bakuna at schedule ng pagbibigay nito.

Kapag Bakuna ay Kumpleto, Lahat Protektado!



Address

Barangay Tablu
Tampakan
9507

Opening Hours

Monday 9am - 3:30pm
Tuesday 9am - 3:30pm
Wednesday 9am - 3:30pm
Thursday 9am - 3:20pm
Friday 9am - 3:20pm

Telephone

+639513076863

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Health Station - Tablu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share