03/06/2026
ASSOCIATION OF SENIOR CITIZENS NG LUNGSOD NG TANAUAN, OPISYAL NANG SEC-REGISTERED!
Isang mahalagang hakbang ang naisakatuparan ng Lungsod ng Tanauan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pagsusulong ng kapakanan ng sektor ng senior citizens.
Ngayong araw, June 3, 2026, pormal nang natanggap nina Tanauan City Federation of Senior Citizens President Ms. Numeriana “Emer” Balahadia at OSCA Tanauan Head Mr. Leonardo Mercado ang sertipikong nagpapatunay ng opisyal na registration certificate ng Association of Senior Citizens of Tanauan City sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Matapos ang mahabang panahon, ang nasabing organisasyon ay mayroon nang ganap na legal na personalidad bilang isang non-stock, non-profit entity, na magbibigay-daan sa mas organisado, sistematiko, at mas pinalakas na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga nakatatanda.
Sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes, patuloy na naipatutupad ang mga inisyatibang naglalayong palakasin ang iba’t ibang sektor ng komunidad, kabilang ang pagbibigay ng mas matibay na institusyonal na suporta sa mga senior citizens ng lungsod.
Ang pagkakaroon ng SEC registration ay nagbibigay ng mas matibay na pundasyon upang mas mapalawak ang mga programa at serbisyong inilaan para sa ating mga nakatatanda. Higit pa rito, binubuksan nito ang mas maraming oportunidad para sa partnerships, funding support, at mas epektibong pagpapatupad ng mga proyektong tunay na makikinabang ang sektor.
Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na maghatid ng inklusibo, maayos, at makataong serbisyo para sa lahat.
Patuloy ang pagkilos para sa isang mas organisado at inklusibong Tanauan.