Tanauan City Health Office - Health Education and Promotion Unit

Tanauan City Health Office - Health Education and Promotion Unit The official page of the Tanauan City Health Office - Health Education and Promotion Unit

🌱 ADOLESCENT REPRODUCTIVE HEALTH: KNOWLEDGE IS POWER! Isang makabuluhang Adolescent Reproductive Health (ARH) Informatio...
03/09/2026

🌱 ADOLESCENT REPRODUCTIVE HEALTH: KNOWLEDGE IS POWER!

Isang makabuluhang Adolescent Reproductive Health (ARH) Information Session ang isinagawa sa Luyos National High School na naglalayong bigyan ang ating mga kabataan ng tamang kaalaman upang makagawa ng responsable, ligtas, at matalinong desisyon para sa kanilang kalusugan at kinabukasan. πŸ‘©β€πŸŽ“πŸ‘¨β€πŸŽ“

πŸ’‘ Napag-usapan ang mahahalagang paksa tulad ng:

❀️ Teenage Pregnancy – Ang maagang pagbubuntis ay maaaring makaapekto sa kalusugan, edukasyon, emotional well-being, at mga pangarap ng isang kabataan. Mahalaga ang tamang impormasyon tungkol sa puberty, relationships, consent at kung saan maaaring humingi ng tamang health services at guidance.

🚭 Harmful Effects of Smoking – Ang paninigarilyo ay maaaring makasama sa baga, puso, at pangkalahatang kalusugan. Para sa kabataan, maaari itong humantong sa ni****ne dependence at iba pang pangmatagalang health risks.

πŸ’¨ E-Cigarettes/Vaping – Hindi nangangahulugang ligtas ang v**e dahil wala itong traditional cigarette smoke. Karamihan ng e-cigarettes ay maaaring may ni****ne na nakakaadik at maaaring makaapekto sa developing adolescent brain. Ang aerosol mula sa v**e ay maaari ring maglaman ng substances na nakasasama sa katawan.

πŸ“š Sa panahon ng pagiging adolescent, mahalagang magkaroon ng bukas at ligtas na pag-uusap tungkol sa reproductive health, healthy relationships, substance use, at responsible decision-making.

✨ Kabataan, alagaan ang sarili. Protektahan ang pangarap. Piliin ang kalusugan at magandang kinabukasan!

❀️ PANALO ANG PAMILYANG PLANADO! ❀️Isang MATAGUMPAY NA BTL & NSV OUTREACH ACTIVITY ang naisagawa sa Tanauan City na nagb...
03/09/2026

❀️ PANALO ANG PAMILYANG PLANADO! ❀️

Isang MATAGUMPAY NA BTL & NSV OUTREACH ACTIVITY ang naisagawa sa Tanauan City na nagbigay ng pagkakataon sa ating mga kababayan na magkaroon ng LIGTAS, DE-KALIDAD, AT BOLUNTARYONG FAMILY PLANNING SERVICES. πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦βœ¨

πŸ“Œ 21 BTL – Bilateral Tubal Ligation
πŸ“Œ 8 NSV – No-Scalpel Vasectomy
πŸ“Œ 23 PSI – Progestin Subdermal Implant

Taos-pusong PASASALAMAT SA DKT PHILIPPINES FOUNDATION, lalo na sa kanilang DEDICATED DOCTORS AT STAFF, sa kanilang oras, husay, at malasakit sa paghahatid ng QUALITY FAMILY PLANNING SERVICES sa ating mga kababayan. πŸ‘

Maraming salamat din sa TANAUAN CITY HEALTH OFFICE, mga DOKTOR, NURSES, MIDWIVES, BHWs, BNS, AT IBA PANG HEALTH WORKERS, pati na sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na aktibidad na ito. πŸ©ΊπŸ™Œ

SAMA-SAMA NATING ITAGUYOD ANG KARAPATAN NG BAWAT PAMILYA NA MAKAPAGDESISYON PARA SA KANILANG KINABUKASAN. ❀️

KAPAG PLANADO ANG PAMILYA, MAS HANDA SA KINABUKASAN!

PANALO ANG PAMILYANG PLANADO! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦βœ¨


PSI SUCCESS! Protektado, Planado, PANALO! ❀️Matagumpay na naisagawa ang Progestin Subdermal Implant (PSI) Insertion Acti...
02/09/2026

PSI SUCCESS! Protektado, Planado, PANALO! ❀️

Matagumpay na naisagawa ang Progestin Subdermal Implant (PSI) Insertion Activity ngayong September 2, 2026 sa Tanauan Super Health Center.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Tanauan City Health Office at DKT Philippines Foundation, sa tulong ni Dr. Madelynne I. Pana, na nagbigay ng serbisyong medikal para sa mga benepisyaryong nakiisa sa programa. πŸ’‰β€οΈ

Sa pamamagitan ng libreng PSI, nabigyan ang ating mga Mommy ng karagdagang family planning option upang makatulong sa pagpaplano ng kanilang pamilya at kinabukasan.

Taos-pusong pasasalamat sa DKT Philippines Foundation, Dr. Madelynne I. Pana, mga Nurses, Midwives, BHWs, BNS, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na aktibidad. πŸ™β€οΈ

Tandaan: PANALO ANG PAMILYANG PLANADO! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦β€οΈ

❀️ 2 DAYS NA LANG! LIBRENG FAMILY PLANNING METHOD: PROGESTIN SUBDERMAL IMPLANT ❀️LIBRENG PROGESTIN SUBDERMAL IMPLANT na ...
31/08/2026

❀️ 2 DAYS NA LANG! LIBRENG FAMILY PLANNING METHOD: PROGESTIN SUBDERMAL IMPLANT ❀️
LIBRENG PROGESTIN SUBDERMAL IMPLANT na hatid ng City Government of Tanauan – City Health Office, katuwang ang DKT Philippines!

Huwag nang maghintay ng sintomas! Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center para sa tamang gabay at reseta la...
30/08/2026

Huwag nang maghintay ng sintomas! Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center para sa tamang gabay at reseta laban sa Leptospirosis.

βœ… Iwasang lumusong sa baha kung maaari.
🧼 Kung nalubog sa baha, maghugas agad gamit ang malinis na tubig at sabon.
πŸ’Š Huwag basta uminom ng doxycycline nang walang payo at reseta ng doktor.

Protektahan ang sarili at pamilya. Agapan ang Leptospirosis! πŸ₯❀️

🌧️⚠️ LUMUSONG SA BAHA? MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!Ngayong tag-ulan, hindi lang baha ang dapat iwasanβ€”may panganib din ng...
30/08/2026

🌧️⚠️ LUMUSONG SA BAHA? MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!

Ngayong tag-ulan, hindi lang baha ang dapat iwasanβ€”may panganib din ng Leptospirosis, isang sakit na maaaring makuha sa kontaminadong tubig-baha.

Kung ikaw ay lumusong sa baha, lalo na kung may sugat o exposure sa maruming tubig, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Facility o YAKAP Clinic para sa tamang pagsusuri at gabay kung kailangan ng doxycycline prophylaxis.

🚫 HUWAG BASTA-BASTA UMINOM NG DOXYCYCLINE! Ito ay dapat gamitin sa tamang reseta at gabay ng doktor. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom nito sa mga buntis, nagpapasuso, at batang edad 8 pababa.

πŸ›‘οΈ Bantayan ang mga sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, at paninilaw ng balat at mata (jaundice).

Mabuting maagapan kaysa malunasan!
Mag-ingat, magpakonsulta, at sama-samang KONTRA LEPTOSPIROSIS!

😷 UBO, SIPON, LAGNAT? MAG-INGAT!Ngayong tag-ulan, maging handa laban sa mala-trangkasong sakit at pangalagaan ang kalusu...
30/08/2026

😷 UBO, SIPON, LAGNAT? MAG-INGAT!
Ngayong tag-ulan, maging handa laban sa mala-trangkasong sakit at pangalagaan ang kalusugan ng buong pamilya.

πŸŒ§οΈπŸ›‘οΈ TAG-ULAN NA! MAGING HANDA LABAN SA W.I.L.D. DISEASES!W – Water-borne diseases πŸ’§I – Influenza-like illnesses 😷L – Le...
30/08/2026

πŸŒ§οΈπŸ›‘οΈ TAG-ULAN NA! MAGING HANDA LABAN SA W.I.L.D. DISEASES!

W – Water-borne diseases πŸ’§
I – Influenza-like illnesses 😷
L – Leptospirosis πŸ€
D – Dengue 🦟

Ngayong tag-ulan, mas maging alerto sa mga sakit na maaaring lumaganap. Alamin ang sintomas, panatilihin ang kalinisan, iwasan ang baha at lamok, at magpakonsulta agad kung kinakailangan.

πŸ’™ Alamin. Mag-ingat. Kumilos. Protektahan ang sarili at pamilya laban sa W.I.L.D. Diseases!



Address

Tanauan City Super Health Center, Tindalo Street Poblacion 3
Tanauan
4232

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanauan City Health Office - Health Education and Promotion Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share