Sangguniang Barangay ng Banjo West

Sangguniang Barangay ng Banjo West Official page of Sangguniang Barangay of Banjo West 2023

27/08/2026

Magandang gabi po!

Nais po naming ipaalam sa lahat ng ating mga kabarangay na maaari nang maglabas ng basura bukas, August 28, 2026 (Biyernes) para sa nakatakdang koleksyon ng basura. Hinihiling lang po namin ang pakikiisa ng lahat na tiyaking nakatali at nasa maayos na lalagyan ang lahat ng basura upang maiwasan ang pagkalat nito.

PAALALA SA LAHAT NG HINDI SUMUSUNOD SA ATING PANAWAGAN AT PATULOY NA NAGLALABAS NG KANILANG MGA BASURA SA ARAW NG HUWEBES (HINDI ITINAKDANG ARAW), KAMI PO AY MULING MAKIKISUYO SA INYO NA SANA NAMAN AY SUMUNOD KAYO SA ATING PANAWAGAN AYON SA ITINAKDANG ARAW NG CENRO TANAUAN SA PAGKUHA NG BASURA DITO SA ATING BARANGAY. BAWAL PONG MAGLABAS NG BASURA BAGO AT PAGKATAPOS NG ARAW NG BIYERNES NG BAWAT LINGGO.

Ang pagbabago ng itinakdang araw ay naka depende na lamang sa magiging impormasyon na ibibigay sa atin ng CENRO-Tanauan.

Kami po ay lubos na umaasa sa inyong pagtulong, pakikiisa at pagsunod para sa kaayusan at kaligtasan ng ating Barangay at mga kapwa kabarangay.

Umasa po kayo na ang buong Sangguniang Barangay ng Banjo West ay patuloy at hindi magsasawang makipag ugnayan sa ating CENRO-Tanauan upang tayo po ay laging mapuntahan ng kanilang mga Hauler at mahakot ang ating mga basura.

Maraming salamat sa inyong lahat

SANGGUNIANG BARANGAY NG BANJO WEST

PANAWAGAN SA MGA TAGA-BARANGAY BANJO WEST!Para sa lahat ng gustong makakuha ng LIBRENG CHECK-UP AT OPERASYON SA MATA, it...
27/08/2026

PANAWAGAN SA MGA TAGA-BARANGAY BANJO WEST!

Para sa lahat ng gustong makakuha ng LIBRENG CHECK-UP AT OPERASYON SA MATA, ito na ang inyong pagkakataon! Huwag niyo na pong palampasin ang tsansang ito para muling maging malinaw ang inyong paningin.

Maraming salamat VBE Eye Center Tanauan sa walang sawang pagtulong sa ating mga ka-Barangay.

✨ MALINAW NA PANINGIN, PARA SA MAS MAGANDANG BUHAY! πŸ‘οΈπŸ’™πŸ’š

May problema ka ba sa iyong paningin? Huwag nang ipagwalang-bahala! πŸ‘€

πŸ“Œ LIBRENG CHECK-UP SA MATA
πŸ“Œ LIBRENG OPERASYON SA MATA PARA SA LAHAT!

Sa VBE Eye Center – Tanauan Branch, handa kaming tumulong upang mapangalagaan ang inyong paningin. πŸ₯πŸ‘οΈ

πŸ’™ Ang malinaw na paningin ay karapatan ng lahat.
πŸ’š Alagaan ang iyong mga mata at magpa-check-up na!

πŸ“ 2nd/F Trinfansa Bldg., Filinvest Rd., Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas
πŸ“ž 0917 308 8187
πŸ• Monday to Friday | 7:00 AM – 4:00 PM
πŸ“˜ VBE Eyecenter Tanauan

Mata ang aming Pangako, Paningin ang aming Serbisyo. πŸ’™πŸ’š

πŸ‘‰ I-share ang post na ito! Baka ito na ang pagkakataon para matulungan ang isang mahal mo sa buhay na muling makakita nang malinaw. πŸ‘οΈβœ¨

24/08/2026

BIRTHDAY CASH GIFT Payout Schedule for Senior Citizens for the month of SPETEMBER 2026
please see attached schedule for your reference!

20/08/2026

Magandang araw mga ka-Barangay!

Ayon sa impormasyong ipinaabot sa atin mula sa pamunuan ng CENRO, wala daw pong hauler na makakapick up ng ating mga basura bukas, araw ng Biyernes, August 21, 2026.

WALA pong maglalabas ng basura. Pasuyo na po

Maraming salamat sa inyong pagsunod at pakikiisa!

19/08/2026

πŸ“ŒPostponement of PSA OUTREACH SERVICES in the City Government of Tanauan

Kaugnay sa pagsisiguro ng kaligtasan ng bawat TanaueΓ±o bunsod ng patuloy na epekto ng Habagat sa Lungsod ng Tanauan, ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng Local Civil Registry Office na pansamantalang ipagpapaliban ang isasagawang PSA Outreach Services bukas, August 19, 2026.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa susunod na schedule, mangyaring abangan ang opisyal na anusyo sa official page ng Tanauan CGTV o makipag-ugnayan sa Local Civil Registry Office sa pamamagitan ng mga sumusunod na numero:
☎️ 728-9880 local - 1033 / 1034 / 1035
πŸ“± 0964-196-2925 / 0963-007-6436

Maraming Salamat po.


18/08/2026

Philippine Statistics Authority Services, nasa Lungsod ng Tanauan na!

Mula sa inisyatibo nina Mayor Sonny Perez Collantes at Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao, katuwang ang Local Civil Registry Office, muling ilalapit ang mga serbisyo ng Philippine Statistics Authority para sa mga TanaueΓ±o.

Mangyaring magtungo lamang sa Mayor's Lobby, 3rd Floor, New Tanauan City Hall Lobby, Tanauan City Hall, sa darating na August 19, 2026, 8:00 AM ng umaga para maka-avail ng mga sumusunod na serbisyo (FIRST COME, FIRST SERVE basis):

β€’ PSA Documents On-Site Printing (Birth, Death, Marriage & Cenomar): 100 slot per day
β€’ National ID Registration: 100 slots per day

Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag at mag text sa mga sumusunod na numero:
☎️ 728-9880 local - 1033 / 1034 / 1035
πŸ“± 0964-196-2925 / 0963-007-6436


Address

Banjo West
Tanauan
4232

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Banjo West posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay ng Banjo West:

Shortcuts

Share