Tanauan Local Social Welfare and Development

Tanauan Local Social Welfare and Development Official page of CSWD Tanauan

๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—ธ๐—ผ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜„ ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ: ๐—ž๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—˜๐—– ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฆ๐—”๐—˜๐— Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ...
10/02/2026

๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—ธ๐—ผ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜„ ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ: ๐—ž๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—˜๐—– ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฆ๐—”๐—˜๐— 

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, at ang Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao, sa paggunita ng 2026 Safer Internet Day na may temang โ€œAko, Ikaw, Tayo: Konektado at Protektado Laban sa OSAEC at CSAEM.โ€

Patuloy na isinusulong ng lungsod ang pagpapalakas ng kamalayan at sama-samang pagkilos upang mapanatiling ligtas ang mga bata sa digital na mundo. Nananawagan ang Pamahalaang Lungsod sa bawat Tanaueรฑo na maging responsable, mapagmatyag, at aktibong katuwang sa pagprotekta sa kabataan laban sa online na pang-aabuso at pagsasamantala.


Local AICS para sa mga Tanaueรฑo at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, patuloy na ipinamamahagi ng Tanauan LGU!...
10/02/2026

Local AICS para sa mga Tanaueรฑo at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, patuloy na ipinamamahagi ng Tanauan LGU!
Sa layuning maipadama ang tunay na kalinga ng Lokal na Pamahalaan, regular na ipinapamahagi ang Local AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Sonny Perez Collantes at Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao.
Mas marami at agaran nang naipamamahagi ang tulong sa ating mga kababayan - mula sa medical at hospitalization assistance, hanggang sa mortuary aid katuwang ang iba't ibang Tanggapan kabilang Tanauan Local Social Welfare and Development at City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernando Manzanero.
Kasabay nito patuloy ding ipinaabot ang cash incentives sa ating mga minamahal na Senior Citizens na may edad 85 taong gulang pataas, katuwang ang OSCA Tanauan sa pangunguna ni Mr. Leonardo Mercado.
Samantala, sa mga nais mag-apply sa Local AICS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Tanauan CSWD tuwing Huwebes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.

Address

Laurel Hill, Barangay Natatas
Tanauan
4232

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanauan Local Social Welfare and Development posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share