Sweet Halili

Directions Website

Sweet Halili page of Angeline "Sweet" Halili

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗧𝗚, 𝗕𝗢𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦 𝗣𝗣𝗢Noong Agosto 12 at 13, 2026, matagumpay na naisakatu...
04/10/2026

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗧𝗚, 𝗕𝗢𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦 𝗣𝗣𝗢

Noong Agosto 12 at 13, 2026, matagumpay na naisakatuparan ng Batangas Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCOL Oliver B. Ebora, Acting Provincial Director, sa pamamagitan ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company, Regional Public Safety Battalion (R-PSB) Team, katuwang ang Regional Intelligence Unit 4A–Provincial Intelligence Team (RIU4A-PIT) Batangas, ang boluntaryong pagsuko ng dalawang dating personalidad ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Lalawigan ng Batangas.

Ang mga indibidwal na kinilalang sina alyas “JOSE” at alyas “EDMON,” ay mga non-PSR-listed na dating miyembro ng CTG na boluntaryong sumuko sa Batangas PPO. Sa kanilang pagsuko, isinuko ni alyas “JOSE” ang isang (1) kalibre .38 na rebolber na walang serial number at isang (1) hand gr***de.

Sa kasalukuyan, ang dalawang dating CTG ay nasa pangangalaga ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company para sa proseso at dokumentasyon, gayundin sa pag-asiste sa kanilang aplikasyon sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Bilang paunang tulong, ang mga sumukong indibidwal ay nakatanggap ng tulong pinansyal, isang (1) sakong bigas, at isang (1) set ng grocery.

Pinuri ng Batangas PPO ang mga sumuko sa kanilang katapangan sa pagpili ng maayos at makatarungang landas at sa kanilang determinasyong muling buuin ang kanilang buhay nang may dignidad at pag-asa kasama ang kanilang mga pamilya.

Kinilala rin ng Batangas PPO ang kanilang pakikipagtulungan at desisyong yakapin ang landas ng kapayapaan at pagsunod sa batas. Ang kanilang pagsuko ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan sa ilalim ng whole-of-nation approach sa pagtugon sa insurhensya habang isinusulong ang kapayapaan, seguridad, at pag-unlad ng komunidad.

📸 BPPO
**Ang mga detalye sa ulat na ito ay mula sa Batangas Police Provincial Office

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒, 𝐋𝐔𝐍𝐄𝐒 (𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔)!Bilang paggunita sa World Teachers' Day, nagdeklara ng suspensyon ng klase (...
04/10/2026

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒, 𝐋𝐔𝐍𝐄𝐒 (𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔)!

Bilang paggunita sa World Teachers' Day, nagdeklara ng suspensyon ng klase (o paglipat sa alternative learning modality) ang ilang lugar sa CALABARZON.

🟠 𝐂𝐀𝐕𝐈𝐓𝐄
📍 Naic – All Levels, Public & Private Schools
📍 Tanza — All Levels, Public & Private Schools
📍 General Emilio Aguinaldo (Bailen) – All levels, Public and Private Schools
📍 Noveleta — All Levels, Public & Private Schools
📍Kawit — All Levels, Public & Private Schools
📍Alfonso – All Levels, Public & Private Schools
📍General Trias — All Levels, Public & Private Schools

🟢 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀
📍Lalawigan ng Laguna: Preschool to Senior High School (Public Schools)
📍Santa Rosa: All levels (Public & Private — maliban sa mga pribadong paaralang may exemption para sa face-to-face classes)

🟡 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋
Wala pang pangkalahatang suspensyon sa buong lalawigan.
Maghintay ng opisyal na anunsyo mula sa inyong lokal na pamahalaan o alkalde.

🔴 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒
📍Mataasnakahoy — All Levels, Public & Private Schools
📍Padre Garcia — Pre-school to Senior Highschool, Public & Private Schools
📍San Juan — All Levels, Public & Private Schools
📍San Pascual — Pre-school to Senior Highschool, Public & Private Schools
📍Lobo — Pre-school to Senior Highschool, Public & Private Schools

🔵 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍
📍Jomalig – All levels, public and private
📍Unisan – Preschool to Senior High School (Public & Private)
📍Mauban – All levels, public and private
📍Infanta – All levels, public and private
📍Burdeos – All levels, public and private
📍General Nakar – All levels, public and private
📍Patnanungan – All levels, public and private
📍San Andres – All levels, public and private
📍Real – All levels, public and private
📍Guinayangan – All levels, public and private
📍Polillo – All levels, public and private
📍San Francisco – All levels, public and private
📍Perez – Elementary to Secondary (Public Schools only)
📍Calauag – Face-to-Face Class Suspension (All levels, Public & Private)
📍Dolores – All levels, public and private
📍Buenavista – All levels, public and private
📍Quezon – Face-to-Face Class Suspension (All levels, Public and Private Schools):
📍Padre Burgos – Face-to-Face Class Suspension (All levels, Public Schools only):

Posibleng madagdagan pa ang mga lugar na ito depende sa lagay ng panahon at abiso ng mga LGU.

WOW 50K NA PALA TAYO! 🎉🎈Salamat!!!
04/10/2026

WOW 50K NA PALA TAYO! 🎉🎈

Salamat!!!

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwan...
04/10/2026

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwang ang Bureau of Immigration (BI) ang walong Korean national sa isinagawang operasyon base sa dalawang Mission Order ng BI sa Angeles City, Pampanga. Isinagawa ang operasyon mula hatinggabi ng Miyerkules, Agosto 12, hanggang madaling araw ng Huwebes, Agosto 13, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa dalawang magkahiwalay na lokasyon sa Barangay Anunas at Barangay Pampang, Angeles City.

Nanguna ang BI sa operasyon, katuwang ang CIDG Regional Special Operations Team 3, CIDG Angeles City Field Unit, Regional Intelligence Unit 3, Angeles City Police Office, at iba pang partner units, katuwang ang Korean National Police Agency at Korean Supreme Prosecutor’s Office.

Ang operasyon ay bunsod ng umano'y paglabag sa batas ng Pilipinas sa imigrasyon at sa Republic Act No. 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA). Ayon sa Mission Order, isa sa mga naarestong Korean national ay wanted sa South Korea dahil sa umano'y iligal na pagbubukas at pagpapatakbo ng mga pasugalan.

Batay sa paunang ulat, nahuli ang mga indibidwal habang umano'y nagpapatakbo ng mga online workstation na may kaugnayan sa paglipat ng pera mula sa mga offshore criminal activities. Ayon sa paunang impormasyon mula sa mga awtoridad ng Korea, pinapatakbo umano ng mga suspek ang mga pribadong bank account na pinaniniwalaang ginamit sa paggalaw ng iligal na kinita.

Ang walong naaresto ay pawang kinilalang mga Korean national, kabilang ang isang target ng operasyon at pitong iba pa na nahuli sa parehong operasyon.

Ayon kay Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., pinapakita ng operasyong ito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya, lalo na sa mga kasong kinasasangkutan ng mga dayuhan at aktibidad na may posibleng koneksyon sa labas ng bansa.

“Hindi lang ito tungkol sa isang operation. Ito ay tungkol sa pagsisigurong magkakaugnay ang ating mga ahensya at naaaksyunan nang maayos ang impormasyon. Patuloy tayong makikipagtulungan sa ating mga katuwang, dito at sa ibang bansa, habang tinitiyak na ang bawat taong sangkot ay mabibigyan ng due process,” ani PGEN Nartatez.

Ipinaalam sa mga naarestong indibidwal ang kanilang mga karapatan at pansamantalang nakaditine sa CIDG Angeles City Field Unit habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal at ang pagpapasimula ng deportation proceedings ng Bureau of Immigration.

📸 PNP
**Ang mga detalye sa ulat na ito ay mula sa Philippine National Police

Batelec Notice of Scheduled Power Interruption para Balete Batangas, Portion of Brgy. Malabanan (Sitio Sto. Niño) sa Lun...
04/10/2026

Batelec Notice of Scheduled Power Interruption para Balete Batangas, Portion of Brgy. Malabanan (Sitio Sto. Niño) sa Lunes October 5, 2026

Nasakote ng mga tauhan ng Laguna Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang tatlong hinihinalang High-Value Individuals...
04/10/2026

Nasakote ng mga tauhan ng Laguna Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang tatlong hinihinalang High-Value Individuals (HVIs) sa isang operasyon kontra-droga sa Brgy. Soledad, San Pablo City, Laguna, kung saan nasamsam ang tinatayang 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PhP2,380,000.00.

Kinilala ang mga suspek na sina alias “Jim” (42), “Erwin” (39), at “Len” (39), na pawang mga residente ng naturang lungsod. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng PRO4A B.E.S.T. Policing Framework upang paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga. Nakuha sa kanila ang walong sachet ng shabu na may kabuuang timbang na 350 gramo.

Pinuri ni PRO 4A Acting Regional Director PBGen Dominic L Baccay ang tagumpay ng operasyon. Aniya, “Mananatiling matatag ang PRO 4A sa pagpapatupad ng batas at pananagutin ang mga sangkot sa ilegal na droga. Hindi tayo titigil hangga’t may mga komunidad tayong kailangang protektahan at iligtas.”

Nasa kustodiya ng San Pablo Component City Police Station ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa inventory at kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

📸 PNP Police Regional Office 4A
**Ang mga detalye sa ulat na ito ay mula sa PNP Police Regional Office 4A

04/10/2026

Update po tungkol sa insidente sa Panisingin Bridge, Sitio Villa, Brgy. Colongan, Rosario, Batangas, nakita na po ang katawan ng babaeng nawawala pero wala nang buhay.

Video Courtesy: Konsehal Joey Galicha, Pareng Ador TV

So. Subic, Boot Tanauan City, may naka schedule na Power Interruption dahil sa Row Clearing sa Lunes October 5, 2026.
04/10/2026

So. Subic, Boot Tanauan City, may naka schedule na Power Interruption dahil sa Row Clearing sa Lunes October 5, 2026.

𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗖𝗔, 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦 - Matagumpay na naaresto ng mga pinagsanib na pwersa ng Batangas Police Provincial Office an...
04/10/2026

𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗖𝗔, 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦 - Matagumpay na naaresto ng mga pinagsanib na pwersa ng Batangas Police Provincial Office ang isang 33-anyos na store merchandise owner at nasamsam ang tinatayang PhP1.7 milyong halaga ng mga smuggled o illicit ci******es sa isinagawang buy-bust operation noong ganap na 9:50 ng gabi, Agosto 12, 2026, sa Brgy. Poblacion 1, Calaca City, Batangas.

Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Oliver B Ebora, Acting Provincial Director ng Batangas PPO, katuwang ang mga tauhan ng 1st Provincial Intelligence Team–Provincial Intelligence Unit (1st PIT-PIU), BPPO, Calaca Component City Police Station, RID4A, at RSOU.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na "MK," residente ng naturang barangay. Nadakip ang suspek matapos tanggapin ang marked buy-bust money mula sa isang police poseur-buyer kapalit ng mga ilegal na sigarilyo.

Nahaharap ang suspek sa mga paglabag sa Section 118(c) ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin sa Sections 144, 262, at 263 ng Republic Act No. 8424 o ang National Internal Revenue Code (NIRC).

Kabilang sa mga nakumpiska mula sa suspek ang:
• Isang (1) genuine one-thousand-peso bill na ginamit bilang buy-bust money at apatnapu't siyam (49) na pirasong boodle money;
• Dalawang (2) master cases ng Champion ci******es na naglalaman ng limampung (50) reams (binili mula sa suspek);
• Tatlong (3) master cases ng Champion ci******es;
• Apat (4) na master cases ng Victor Aguila ci******es;
• Labing-isang (11) master cases ng Carnival ci******es;
• Sampung (10) master cases ng Marshall ci******es; at
• Isang (1) yunit ng puting Isuzu Traviz vehicle na may Plate No. DAV 1936.

Ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang ebidensya ay umabot sa P1,719,000.00 batay sa umiiral na valuation ng Bureau of Customs.

Agad ding binasa sa naarestong suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang alam niya, habang gumamit din ng Alternative Recording Devices (ARDs) sa buong operasyon. Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa presensya ng dalawang barangay councilor ng Brgy. Poblacion 1.

Matapos sumailalim sa medikal na pagsusuri sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Balayan, Batangas, dinala ang suspek sa Office of the Provincial Intelligence Unit sa Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy ang paninindigan ng Batangas PPO sa kanilang kampanya laban sa ilegal na kalakalan ng sigarilyo upang protektahan ang mga lehitimong negosyo, sagipin ang kita ng pamahalaan, at isulong ang seguridad sa ekonomiya ng lalawigan.

📸 BPPO
**Ang mga detalye sa ulat na ito ay mula sa Batangas Police Provincial Office

04/10/2026

Narekober na ang dyip na nahulog sa Panisingin Bridge sa Timbugan-Colongan, Rosario, Batangas. Sa 14 na pasaherong sakay nito, tatlo ang dinala sa ospital para magamot, habang dalawa pa ang nananatiling nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Video Courtesy: Konsehal Joey Galicha, Lito Laroza Coz

Address

Tanauan
4232

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sweet Halili posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category