24/04/2024
PATALASTAS :
Palagiang MAG-IPON ng tubig dahil sa rotational brownout dahil sa Manual Load Dropping ng NGCP / Batelec sa mga peak hours na paggamit ng kuryente. Kapag nawalan ng kuryente , automatic na hihina o mawawala ang tubig dahil wala na itong pressure para maipush ang tubig sa linya at lahat ng tubig ay pupunta sa mababang lugar. Kapag saglit lang ang brownout ay di agad kami nagbubukas ng generator bukod sa mahal ang krudo ngayon ay bago makaikot ang ating pipefitter para i-on ang generator ay may kuryente na agad. Kapag schedule po ang brownout ay automatic na bubuhayin namin ang generator.
Ngayong El NiƱo, Summer ay kailangan talagang matuto tayong MAG-IPON NG TUBIG. Forcasted ng April to May ay ganito po ang sitwasyon natin...di lang po dito sa atin ... sa lahat ng lugar. Ipinagpapasalamat namin at laging ipinagdadasal na tayo ay may malakas at dalisay na tubig na dumadaloy sa ating barangay ... compare sa iba na wala silang tubig- napakswerte po natin.
Salamat po at sana tayo ay magtulong-tulong para dito.
To God be all the Glory.
PAMUNUAN