14/05/2025
๐๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐ฒ๐จ, ๐๐๐ง๐๐ฅ๐จ ๐๐ ๐๐ค๐จ ๐
Hindi ko man naabot ang tagumpay sa halalan, taos-pusong nagpapasalamat ako sa bawat Tanaueรฑong naniwala sa akin.
Sa 33,811 na kababayan nating bumoto, lumaban, at kumapit sa laban na ito, maraming, maraming salamat po! Hindi kayang sukatin ng numero ang bigat ng tiwala at pagmamahal na ipinakita ninyo. Hanggang sa huli, pinili ninyong manindigan para sa uri ng pamahalaang may malasakit, may prinsipyo, at may paninindigan.
Sa buong slate, ๐๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ'๐ฌ ๐๐จ๐ฉ๐ ๐๐๐๐, maraming salamat sa inyong tibay ng loob, tiyaga, at walang sawang paninindigan. Hindi matatawaran ang inyong ipinaglaban. At sa apat na kasama nating nagwagi, taas-noo akong bumabati sa inyo. Dalhin ninyo ang diwa ng ating layunin sa bawat desisyon, sa bawat aksyon, at sa bawat panahong tayo'y pinagkakatiwalaan ng ating mga kababayan.
Sa mga nahalal na opisyal, iba man ang ating mga kulay, ay iisa lang ang ating layunin. Yun ay ang paglingkuran ang mga kababayan natin. Pagbati sainyong pagkapanalo!
Sa aking mga staff na walang sawang nagtrabaho sa likod ng mga kaganapan at nagpursige hanggang sa huling minuto, taos-pusong pasasalamat. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito nang walang inyong dedikasyon at suporta. Gayundin sa aking mga kapamilya at malalapit na kaibigan na buong pusong sumuporta, nagdasal at kumilos sa likod ng kampanyang ito. Salamat sa inyong pagmamahal at paniniwala. Kayo ang naging sandigan ko sa buong laban.
Sa aking mommy, asawa, at mga anak, hindi ko kayang ilarawan kung gaano ako nagpapasalamat sa inyong sakripisyo, pagmamahal, at suporta sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Mahal na mahal ko kayo.
At sa aking Daddy, ang aking inspirasyon at gabay, salamat sa mga aral na ipinamuhay mo at sa walang sawang pagmamahal na ipinakita mo sa bayan at sa aming pamilya. Hindi ko kayang tumbasan ang lahat ng ginawa mo, ngunit patuloy ko pa ring dadalhin ang iyong mga prinsipyo at mga aral sa bawat panibagong landas na aking lalakaran. Sana, proud ka sa akin, Daddy. Mahal na mahal kita.
Habang may Tanauan, habang may mga kababayang nangangailangan, habang may pag-asa, patuloy akong maglilingkod. Bilang simpleng tao at isang anak ng lungsod na ito, patuloy kong itataas ang bandila ng Tanauan.
Maraming salamat sa inyong lahat. Kayo ang tunay na pag-asa ng Tanauan. ๐