09/03/2026
LIBRENG NEWBORN SCREENING!
Gaganapin sa Brgy. Sibulan Covered Court, Polillo, Quezon.
Para sa ating mga batang sanggol na kasisilang pa lamang
(edad 1-28 na araw) mula sa mga bayan ng Panukulan, Burdeos, Polillo, Jomlig, Patnanungan, at General Nakar.
Ang Newborn Screening Center - Southern Luzon at Department of Health Center for Health Development IV A sa pakikipagtulungan ng Quezon Provincial Health Office at Local Government Unit ng Polillo Quezon ay magsasagawa ng libreng Newborn Screening.
Ito ay gaganapin sa Marso 12, 2026 sa Subulan Covered Court sa ganap na 8:00 ng umaga - 12: 00 ng tanghali. Ito ay bilang bahagi ng ika-30 TAONG ANNIBERSARYO ng paglulunsad ng NEWBRON SCREENING sa ating bansa.
Sa mga interesado, maaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na pangalan at contact number:
- Polillo RHU - 0968-133-2025
- Brenda D. Tell, RN - 0921-805-2959
- Analyn Wasigan, RM - 0950-239-2485
Sama-sama tayong magligtas ng buhay sa pamamagitan ng NEWBORN SCREENING!