Tanauan CGTV

Directions Website Contact the organization

Tanauan CGTV The City Government's frontline department in information dissemination. The Official Digital Platform of the City Government of Tanauan

Produktong Tanauan na Kalamias Jam, patuloy na pinauunlad ng mga Tanaueña!Kaugnay sa pagpapalakas ng mga pangkabuhayang ...
05/10/2026

Produktong Tanauan na Kalamias Jam, patuloy na pinauunlad ng mga Tanaueña!

Kaugnay sa pagpapalakas ng mga pangkabuhayang produkto ng mga Tanaueña sa Lungsod, binisita ni TCWCC President Atty Cristine Collantes ang isinasagawang product development assessment ng ipinagmamalaking Kalamias Jam ng Brgy. Boot katuwang ang Tanauan Ccledo sa pangunguna ni Ms. May Fidelino.

Kasama ang mga miyembro ng Boot Women's Coordinating Council sa pamumuno ni Ms. Marites Semaña, kanilang ibinahagi kay Atty. Cristine ang kasalukuyang progreso ng kanilang produkto, kabilang na ang pamamaraan upang masiguro ang kalidad nito.

Bukod dito, nagsagawa rin ng konsultasyon ang Boot Women's Coordinating Council kay Atty. Cristine upang mapaigting pa ang marketing strategy ng produkto dahil isa ang Kalamias Jam sa maipagmamalaking produktong Tanauan.

Sa pamamagitan din ng Tanauan City Packaging Center at suportang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa panguguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, nananatiling bukas ang pasilidad upang mapalago pa ang kanilang produkto sa pamamagitan ng packaging assistance at label enhancement.

Ang programang ito ay bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan katuwang ang Tanauan City Women's Coordinating Council sa pamumuno ni Atty. Cristine Collantes, upang palakasin ang mga programang nagtataguyod sa kabuhayan, kakayahan, at produktong likha ng ating mga Tanaueña.

Para sa mga nais mag-avail ng Kalamias Jam ng Boot BWCC, maaaring tumawag sa numerong 0966-229-6635 at hanapin si Ms. Marites Semaña


Educational Cash Assistance on Wheels, muling umarangkada sa Lungsod ng Tanauan!Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas...
05/10/2026

Educational Cash Assistance on Wheels, muling umarangkada sa Lungsod ng Tanauan!

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa sektor ng edukasyon sa buong Lalawigan ng Batangas, muling naihatid sa mga kolehiyong mag-aaral ng Lungsod ng Tanauan ang Educational Cash Assistance on Wheels mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamumuno ni Gov. Vilma Santos-Recto, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty Cristine Collantes at Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao.

Layunin ng programang ito na mailapit ang mga serbisyong pang-edukasyon ng Probinsya sa mga kabataang Batangueño at mabigyan ng dagdag na suporta sa kanilang pangangailangan at pantustos sa kanilang pag-aaral tungo sa mas magandang kinabukasan.


Happy Monday, Tanaueños!🇵🇭Isang produktibo at makabuluhang araw ng pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ang pinangunahan ni...
05/10/2026

Happy Monday, Tanaueños!🇵🇭

Isang produktibo at makabuluhang araw ng pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ang pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga department manager, mga Punong Barangay, at mga kawani ng PNP, BFP, at BJMP bilang pagpapakita ng pagkakaisa at serbisyo sa bayan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Sonny ang prinsipyong nakasaad sa 1987 Philippine Constitution, Article XI, Section 1 na “Public office is a public trust.” Aniya, ang panunungkulan sa pamahalaan ay hindi lamang tungkol sa posisyon, kundi higit sa lahat ay tungkol sa responsibilidad na maglingkod nang may integridad, malasakit, at buong dedikasyon sa kapakanan ng mamamayan.

Kasabay nito, binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod si Ms. Emelda Padilla ng Tanauan City Health Office matapos siyang kilalanin bilang isa sa Outstanding Sanitation Inspectors sa CALABARZON. Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang dedikasyon, sipag, at patuloy na pagtupad sa tungkulin para sa pangangalaga ng kalinisan, kalusugan, at kaligtasan ng mga komunidad.

Samantala, kabilang sa mga programa at aktibidad na pinasinayaan nina Mayor Sonny at Vice Mayor Dodong katuwang ang Sangguniang Panlungsod ay ang mga sumusunod:
• Consultative Meeting with Barangay Captains
• Courtesy Call of District Engineer Benson Tesnado
• Donated Wheelchair to Mrs. Marilyn C. Llanes from Brgy. Tinurik
• Courtesy Call of Anica Natanauan - 1st place in 2nd Madayaw Gymnastics Cup
• Courtesy Call of Philippine Statistics Authority (PSA) Batangas
• Local Council for the Protection of Children (LCPC) 3rd Quarterly Meeting
• Courtesy Call of PCPT Cesar Shane Nicodemus - PNP Batangas Provincial Anti Cyber Crime Unit
• Distribution of Cash Incentives for the month of May & July to police personnel of Tanauan CCPS
• Courtesy Call of Primary Health
• Oathtaking of TCC Iskolar ng Lungsod Student Council Officers
• 7th Board of Trustees (BoT) Meeting of Tanauan City College (TCC)
• Courtesy Call of Marvin Gestiada - representative of Tanauan for Miss Gay 3rd District
• Management Committee Meeting
• Courtesy Call of MC Chester Petate - Grand Winner of Masters of the World Prime 2026
• Courtesy Call of Atty. BJ Pedrol & Mr. Ron Roscain
• Donated Wheelchair to Mrs. Emilia Villaflor from Brgy. Hidalgo
• Active Parent Leaders & 4Ps Aftercare Brgy. Focal Meeting
• Bawat Tibok Mahalaga Community Caravan in partnership with Asian Hospital and Medical Center and Tanauan City Health Office
• Meeting with Job Order Applicants
• Courtesy Call of Leo Quirino and Col Marudo
• Joint Meeting of City Solid Waste Management and Task Force for Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation
• Coalition for Progressive and Empowered Tanaueno "United Men of Tanauan: Tanauan Move as One" Consultative Meeting and Planning
• Courtesy Call of PMAJ Mike Angelo Refuerzo - Deputy Chief of Police
• City Peace and Order Council (CPOC), City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), and City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) Meeting
• Issuance of Business Permit for Establishments
• Payout of LOCAL AICS and Mortuary beneficiaries
• Museo Pambata Donation Turnover with Ms. Gisella Collantes-Garcia
• World Teachers' Day
• Distribution of Abuloy to CGT Employees
• Flag Lowering Ceremony
• "Muling Pagsibol" Pagtatatag at Pagtatalaga ng Rotary Club of Tanauan City"


PAUNAWA SA PUBLIKOIpinapaalam ng Traffic Management Office (TMO) na kasalukuyang isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng T...
03/10/2026

PAUNAWA SA PUBLIKO

Ipinapaalam ng Traffic Management Office (TMO) na kasalukuyang isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang konstruksyon at pagpapahusay ng drainage system sa Brgy. Sambat, partikular sa kahabaan ng Tanauan–Talisay Road, patungong Bagsakan.

Dahil sa nasabing gawain, maaaring makaranas ng pansamantalang pagbagal ng daloy ng trapiko, lalo na sa Sambat Intersection, na nag-uugnay sa Tanauan–Talisay Road, Kalakalan, at Trapiche Road.

Humihingi po kami ng paumanhin at pang-unawa sa mga motorista at commuters na maaaring maapektuhan habang isinasagawa ang proyekto.

Kung maaari, hinihikayat ang mga motorista na pansamantalang iwasan ang Sambat Intersection at gamitin ang mga sumusunod na alternatibong ruta:

• Mula Natatas, Balele, Boot, Tinurik at Bagumbayan – maaaring dumaan sa Sitio Balon.

• Mula Ambulong, Cale, Talaga at mga karatig na barangay – maaaring gamitin ang Trapiche Road bilang alternatibong ruta.

Pinapayuhan din ang lahat na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe, magmaneho nang maingat, at sundin ang mga traffic personnel at opisyal na traffic advisory sa lugar.

Ang proyektong ito ay isinasagawa upang mapahusay ang daloy ng tubig at makatulong na mabawasan ang panganib ng pagbaha sa mga apektadong lugar.

Nauunawaan namin ang pansamantalang abalang maaaring idulot nito. Gayunman, ang mga gawaing ito ay bahagi ng pangmatagalang pagpapahusay para sa mas maayos na drainage system, mas ligtas na mga kalsada, at mas maayos na komunidad para sa lahat.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, pasensya, at pang-unawa.


Congratulations on your New Chapter, Rotary Club of Tanauan City!Taos-pusong nakiisa si Mayor Sonny Perez Collantes bila...
03/10/2026

Congratulations on your New Chapter, Rotary Club of Tanauan City!

Taos-pusong nakiisa si Mayor Sonny Perez Collantes bilang Guest of Honor sa ginanap na landmark celebration ng Rotary Club of Tanauan City sa pangunguna ni Tanauan City Charter President Julius Gonzales.

Sa temang “Muling Pagsibol: Pagtatatag at Pagtatalaga,” pinasalamatan ni Mayor Sonny ang patuloy na pakikipagtulungan ng Rotary Club of Tanauan sa Pamahalaang Lungsod sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibang naglalayong makatulong sa komunidad at mapalawak ang serbisyong naihahatid sa mga mamamayan.

Kasabay nito, sinaksihan din ni Mayor Sonny, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Talisay Mayor Nestor Natanauan, ang panunumpa ng mga bagong halal na Board of Directors ng Rotary Club of Tanauan City, kabilang si Konsehal Potenciano “Sonny” M. Natanauan.

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pagbati sa Rotary Club of Tanauan City sa panibagong yugto ng paglilingkod at pakikiisa para sa komunidad!


03/10/2026
02/10/2026

| Masayang Barangay Day 2026, ang ipinagdiwang sa Lungsod ng Tanauan para sa tunay na pagkakaisa at bayanihan ng lahat ng 48 Barangay ng ating Lungsod.

Mula sa outreach program at medical mission, tree planting, hanggang sa Inter-Punong Barangay Basketball League, ipinakita na kapag nagkakaisa ang bawat barangay, mas maraming kayang gawin para sa ating mga kababayan.

Kaya ngayong Episode ating balikan ang mga kaganapan sa pagdiriwang ng Barangay Day na handog nina Mayor Sonny Perez Collantes, Cong. Atty. King Collantes, Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao, ABC President Precious Germaine M. Agojo kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod.



Regular Flag Lowering Ceremony, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan 🇵🇭Matapos ang isa nanamang Linggong paglilin...
02/10/2026

Regular Flag Lowering Ceremony, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan 🇵🇭

Matapos ang isa nanamang Linggong paglilingkod, matagumpay na isinagawa ang Flag Lowering Ceremony sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagpapatibay ng disiplina, pagkakaisa, at paggalang sa watawat ng Pilipinas, alinsunod sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines. Layunin din nitong paalalahanan ang mga kawani ng Pamahalaan hinggil sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at maayos na serbisyong publiko.

Sa naturang seremonya, sama-samang nakiisa rin ang mga department managers ng bawat tanggapan sa Lokal na Pamahalaan at ang Tanauan PS Pulis bilang simbolo ng patuloy na dedikasyon sa pagbibigay ng mahusay at tapat na serbisyo para sa mamamayang Tanaueño.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay regular nang isasagawa ng Lokal na Pamahalaan tuwing Biyernes ng hapon.


Address

New Tanauan City Hall, Tanauan/Talisay National Road, Brgy. Natatas
Tanauan
4027

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanauan CGTV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tanauan CGTV:

Shortcuts

Share