14/07/2026
- GRADE 5 LEARNERS, NAGWAGI SA NUTRITION MONTH COOK-OFF
Nagwagi ang mag-aaral mula sa Grade 5 sa ginanap na 2026 Nutrition Month School-Based Cook-Off na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan." Ipinamalas nila ang kanilang husay at pagkamalikhain sa paghahanda ng masustansiyang putahe gamit ang malunggay at monggo bilang pangunahing sangkap.
Ang patimpalak ay naglalayong isulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, pagkamalikhain, at paggamit ng mga lokal at masustansiyang sangkap. Binabati ang mga lumahok sa patimpalak. lalo na sa nagwaging Grade 5 learners sa kanilang natatanging tagumpay.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kalahok (Grade 4,5 and 6) hurado ( Kelvin Gomez ), g**o, at mga taong naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito mula sa butihing punungg**o Dr. Arnel T. Alcantara.
Patuloy nating isabuhay ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, pagkamalikhain, at pangangalaga sa ating kalikasan.