11/07/2023
PABATID AT PAUNAWA SA LAHAT
Ipinababatid po sa lahat na ang KRFR PAMO staff, sa pakikipag ugnayan sa Pamahalaang Bayan ng Tanay, PAMB at mga Barangay, ay magsasagawa ng OPERATION BAKLAS Sinages o Posters na nakapaskil/nakapako sa mga punong kahoy sa mga lansangan sa loob ng nasasakupan ng Kaliwa River Forest Reserve sa Ika-13 hanggang Ika-14 ng Hulyo, 2023.
Hinihikayat po ang lahat na kusang tanggalin o ilagay sa tamang lugar ang mga Sinages o posters upang maiwasan po ang paglabag sa mga alituntuning umiiral.
Maraming salamat po.