Tanay SK Federation

Directions Contact the organization

Tanay SK Federation Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tanay SK Federation, Government Organization, Tanay.

Ika-7 ng Hulyo 2026 | Municipality of Tanay, SB Session Hall.Nagsagawa ang ating SK Federation ng kanilang meeting para ...
07/07/2026

Ika-7 ng Hulyo 2026 | Municipality of Tanay, SB Session Hall.

Nagsagawa ang ating SK Federation ng kanilang meeting para sa buwan ng Hulyo. Naitalakay dito ang mga sumusunod na Agenda:

• Full Disclosure Boards
• Updates on KK Profiling
• Update on SK Web Portal 2023-2026
• LYDO/ LYDC Matters
• Other Matters

Pinasinayahan ito ni Kgg. Keith Dallen Juco Tanay, SK Federation President kasama ang Local Youth Development Office sa presensya ni Ma’am Nicole at Sir Erickson ng Tanay LYDO.

Ika-10 ng Mayo 2026 | Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal.Sa pakikipagtulungan ng ating mga Sangguniang Kabataan Chairperson...
10/05/2026

Ika-10 ng Mayo 2026 | Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal.

Sa pakikipagtulungan ng ating mga Sangguniang Kabataan Chairperson ng ating Mahal na Bayan ng Tanay, nagsagawa ang ating SK Federation ng kanilang meeting para sa buwan ng Mayo para pag-usapan ang mga paparating na programa, mga dokumentong kailangang ipasa, at kumustahan ng bawat barangay.

Pinasinayahan ito ni Kgg. Keith Dallen Juco Tanay, SK Federation President kasama ang Local Youth Development Office sa presensya ni Ma’am Nicole at Sir Erickson ng Tanay LYDO.

Handa ka na ba? MALALALAKKKI 3.0 ay nandito na! PANAWAGAN SA KABATAANG MAS at sa lahat ng Kabataang Tanayans!Opisyal nan...
19/01/2026

Handa ka na ba? MALALALAKKKI 3.0 ay nandito na!

PANAWAGAN SA KABATAANG MAS at sa lahat ng Kabataang Tanayans!

Opisyal nang bukas para sa lahat ang programa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Mag-Ampon — MALALAKKKI 3.0 (Mag-Ampon Laro ng Lahi para sa Kabataan, Kultura, at Kinabukasan) 🇵🇭✨
Sang-ayon sa RESOLUSYON BLG. 2 SERYE 2026 ISANG RESOLUSYON NA NAGPAPAHAYAG NG PAGPAPAHINTULOT AT PAGPAPATIBAY SA PAGDARAOS NG PROGRAMANG “MALALALAKKKI 3.0 (Mag-Ampon Laro ng Lahi para sa Kabataan, Kultura, at Kinabukasan)” NA ISASAGAWA SA IKA-22 NG ENERO 2026 SA BARANGAY MAG-AMPON, ALINSUNOD SA KATITIKAN NG PAGPUPULONG NA GINANAP NOONG IKA-2 NG ENERO 2026.

Ang programang MALALALAKKKI 3.0 (Mag-Ampon Laro ng Lahi para sa Kabataan, Kultura, at Kinabukasan) ay naglalayong buhayin at itaguyod ang mga larong lahi bilang bahagi ng pamana ng kulturang Pilipino at bilang daluyan ng pagkakaisa, disiplina, at malusog na pamumuhay ng kabataan.

Ngayong taon ay buong pagmamalaki at pasasalamat nating ipinababatid na ang ating katuwang sa MALALAKKKI 3.0 ay ang Comite De Festejos 2026 para sa Kapistahan ng Bayan ng Tanay, ang Tanay Rizal Maharlika 𝓔𝓪𝓰𝓵𝓮𝓼 Club, at sa suporta rin ng ating Mahal na Ama ng ating Bayan, Mayor RM Tanjuatco.

Sama-sama tayong lahat Kabataang MAS at Kabataang Tanayans!
Isang hapon ng saya, kultura, at pagkakaisa ng kabataan sa pamamagitan ng ating mga larong lahi at makabuluhang gawain.

🗓 Enero 22, 2026
⏰ 2:00 PM
📍 Barangay Mag-Ampon Tanay Covered Court

Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura at hubugin ang kinabukasan ng kabataan.
Tara na at makilahok! 💙💪

Kabataang Tanay, narito ang opisyal na mga grupo na magtatagisan para sa ating Hip-Hop Dance Competition Inter-barangay ...
16/01/2026

Kabataang Tanay, narito ang opisyal na mga grupo na magtatagisan para sa ating Hip-Hop Dance Competition Inter-barangay Competition sa Ika-20 ng Enero 2026 sa Tanay Park.

Hatid sa atin ng Comite De Festejos para sa taing ito, Ang Tanay Maharlika Eagles Club.



TINGNANIka-10 ng Enero 2026 | 2 PM | Tanay ParkTayo po ay dumalo sa pagpupulong na pinasinayahan ng ating Comite De Fest...
10/01/2026

TINGNAN
Ika-10 ng Enero 2026 | 2 PM | Tanay Park

Tayo po ay dumalo sa pagpupulong na pinasinayahan ng ating Comite De Festejos, Tanay Rizal Maharlika 𝓔𝓪𝓰𝓵𝓮𝓼 Club sa pangunguna ng ating Doc Botan Tongohan, para sa pagdiriwang ng taunang Kapistahan ng Bayan ng Tanay.

Ang ating SK Federeation President Hon. Keith Dallen Juco kasama ang ating Vice-President Hon. Dionysis Berja ay malugod na dumalo bilang kinatawan ng Tanay SK Federation para sa programang paanyaya para sa ating mga Kabataang Tanayan.

Matagumpay na programa para sa ating lahat! Bilang pakikiisa sa ating papalapit na Ika-15 Taong Pagdiriwang ng Tanay HAN...
13/11/2025

Matagumpay na programa para sa ating lahat!

Bilang pakikiisa sa ating papalapit na Ika-15 Taong Pagdiriwang ng Tanay HANE Festival, katuwang ang ating Pamahalaang Bayan. Ang Tanay SK Federation ay nagsagawa ng programang “Kabataan, Kaalaman, at Kalikasan,” na naglalayong mabigyang pansin ang pagpapalakas at pagbibigay importansya sa malaking bahaging ginagalawan ng mga Kabataang Tanayan sa patuloy na pag-unlad at pagyakap natin sa Modernong Lipunan.

Bilang isang Aktibong Kabataan ng Bayan ng Tanay naipakita natin ang ating pagkakaisa sa ating adbokasiyang para sa ating lahat. Isang pamayanang Maunlad, Moderno, at Maipagmamalaki!

SMILE AND SHINE, Tanay HANE! 📣

15th  Tanay Hane Festival “KABATAAN, KAALAMAN, KALIKASAN.” QUIZ BEE: CLASH OF MIND WINNERS (School and Barangay Category...
13/11/2025

15th Tanay Hane Festival
“KABATAAN, KAALAMAN, KALIKASAN.”
QUIZ BEE: CLASH OF MIND WINNERS (School and Barangay Category) 🏆🏅

Ika-12 ng Nobyembre 2025 | Barangay Mag-Ampon Covered Court.Sa pakikipagtulungan ng ating mga Sangguniang Kabataan Chair...
12/11/2025

Ika-12 ng Nobyembre 2025 | Barangay Mag-Ampon Covered Court.

Sa pakikipagtulungan ng ating mga Sangguniang Kabataan Chairperson ng ating Mahal na Bayan ng Tanay, nagsagawa ang ating SK Federation ng kanilang program para sa Ika-15 taong Pagdiriwang ng Tanay Hane Festival, ang “KABATAAN, KAALAMAN, KALIKASAN.” 🐝🤯🌿🚶🏼🚶🏼‍♀️

Pinasinayahan ito ni Kgg. Keith Dallen Juco (SK-President) at Kgg. Dionysis Berja (SK-Vice-President) kasama ang SK Chairman ng iba’t-ibang Barangay sa ating Bayan.

What’s up Kabataang Tanayans!ROUTE-OF-PARADE• Assembly at Tanay Municipal Ground• Right to M.L. Quezon St.• Left to Ceci...
11/11/2025

What’s up Kabataang Tanayans!

ROUTE-OF-PARADE
• Assembly at Tanay Municipal Ground
• Right to M.L. Quezon St.
• Left to Cecilio Santos St.
• Left to Santos Jesuitas St.
• Left to Pastor Santos St.
• Slight left to F.T. Catapusan St.
• Right to Tentado St.
• Left to T.Q. Bernados St.
• Left to Catambay St.
• Straight to Mag Ampon Gym

KABATAAN, TAYO NAMAN! 🎏Bilang pakikiisa sa ating papalapit na Ika-15 Taong Pagdiriwang ng Tanay HANE Festival, katuwang ...
09/11/2025

KABATAAN, TAYO NAMAN! 🎏

Bilang pakikiisa sa ating papalapit na Ika-15 Taong Pagdiriwang ng Tanay HANE Festival, katuwang ang ating Pamahalaang Bayan. Ang Tanay SK Federation ay magsasagawa ng programang “Kabataan, Kaalaman, at Kalikasan,” na naglalayong mabigyang pansin ang pagpapalakas at pagbibigay importansya sa malaking bahaging ginagalawan ng mga Kabataang Tanayan sa patuloy na pag-unlad at pagyakap natin sa Modernong Lipunan.

Ang dalawampu (20) na mga barangay sa pamamagitan ng mga Tagapangulo ng SK kasama rin ang ating mga paaralaang binigyan ng paanyaya ay kabahagi sa programang ito.

Ang programang ito ay nahahati sa dalawang
bahagi:

➡️ LET’S WALK WITH MOTHER NATURE (Kalikasan) 🚶🏻🚶🏽‍♀️🌎🌱
🕰️Ika-6 ng Umaga
📍Tanay Park
Sang-ayon ito sa SDG 13 — Climate Action.

➡️ TANAY YOUTH CLASH OF MINDS: Battle for Quiz Bee (Kaalaman) 🤯🧠💡🐝
🕰️Ika-8 ng Umaga
📍Tanay Park
Sang-ayon ito sa SDG 4 — Quality Education.
Ito ay nahahati sa dalawang Division: School at Community at bawat Barangay at School ay may 2 representatives.

Bilang isang Aktibong Kabataan ng Bayan ng Tanay ipakita natin ang ating pakikiisa sa ating adbokasiyang para sa ating lahat. Isang pamayanang Maunlad, Moderno, at Maipagmamalaki!

SMILE AND SHINE, Tanay HANE! 📣

Mangyaring makipag-ugnayan na lamang tayo sa ating SK Officials ng ating Barangay para sa iba pang detalye.

See you there Kabataang Tanayan!

Address

Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanay SK Federation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tanay SK Federation:

Shortcuts

Share