10/04/2026
๐๐ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ฒ, ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ค๐จ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐
Dalawampung (20) katutubong miyembro ng ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐/๐ฅ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ (๐ฆ๐ง๐๐ฅ๐๐ฆ๐) ang nabigyang pagsasanay ng DA-Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa pangunguna ng National Soil and Water Resources Research and Development Center for Hillyland Pedo-Ecological Zone (NSWRRDC HILLPEZ) sa ilalim ng ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ฆ๐๐๐๐ฎ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น๐๐น๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฎ๐ฟ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ถ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ผ๐ถ๐น ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ช๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ (๐ฆ๐๐ถ๐๐ง ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ช๐ฎ๐ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ) ๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต ๐ญ. Isinagawa ang aktibidad noong Marso 31, 2026 sa NSWRRDC HILLPEZ Conference Room sa Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal.
Napili ang samahan bilang kalahok sa programa bilang tugon sa kanilang kahilingan na mapalawak ang kanilang kaalaman sa paggamit ng Mokusaku at Vermicomposting Facility na kanilang natanggap sa ilalim ng DA 4K (Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo) Program. Kaugnay nito, nagkaroon ng mga presentasyon hinggil sa โMokusaku Technologyโ at โVermicomposting Technology sa Pamamaraan ng NSWRRDC HILLPEZโ, na sinundan ng aktuwal na pagbisita sa mga pasilidad ng Center upang mas maunawaan ng mga kalahok ang mga teknolohiyang ito para sa organikong pagsasaka.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpahayag ng pasasalamat ang mga kalahok. Ayon kay Gilbert Lopez, Pangulo ng STDRBSA, โMalaking tulong po ang pagsasanay na ito sa aming samahan upang mas mapahusay pa namin ang aming kaalaman sa organikong pagsasaka. Sisikapin po naming maisabuhay at maibahagi ito sa aming komunidad.โ Samantala, pagbabahagi naman ni Myrna Velasco, miyembro ng STDRBSA, โNagpapasalamat po kami sa BSWM sa pagbibigay ng ganitong oportunidad. Hinihikayat namin ang aming mga kasamahan na patuloy pang matuto at gamitin ang mga natutunang teknolohiya para sa mas maayos na kabuhayan.โ
Ang Sustainable Hillyland Farming Technologies and Practices for Soil and Water Conservation and Management for Agriculture (SHiFT for SWaC Agriculture) ay ang capacity-building program ng NSWRRDC HILLPEZ na layuning mas mapalawig ang kaalaman sa sustenableng pangangalaga at pamamahala ng lupa at tubig ng bawat magsasaka, kabataan at mag-aaral, at iba pang bahagi ng hillyland farming community.
(Marco T. Macopia, NSWRRDC HILLPEZ)
๐ฃ๐ฃ๐ฃ Upang manatiling updated sa mga impormasyon ukol sa lupa at tubig para sa agrikultura, mangyaring i-like ang aming page o magtungo sa aming website na https://www.bswm.da.gov.ph/