05/08/2026
OPISYAL NA PAHAYAG
Ang 2026 FPIC Guidelines ay bunga ng mahigit isang dekadang masusing pagsusuri at malawak na konsultasyon at pakikipagdiyalogo sa mga Katutubong Pamayanan, mga NCIP Field Offices, ibaโt ibang ahensiya ng pamahalaan, civil society organizations, pribadong sektor, at iba pang stakeholder sa ibaโt ibang panig ng Pilipinas. Isinulong ang mga ito upang tugon sa mga aral at hamon sa pagpapatupad ng 2012 FPIC Guidelines at higit pang patatagin ang proteksiyon sa mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan sa ilalim ng IPRA.
Kabilang sa mahahalagang reporma ang pagpapalakas ng transparency at pananagutan sa pamamagitan ng FPIC Transparency Portal, mas mahigpit na disclosure requirements
para sa mga aplikante, pagkilala sa precautionary principle para sa mga proyektong may mataas na panganib sa kapaligiran at kultura, pinalakas na human rights monitoring, mas malinaw na mga tuntunin laban sa conflict of interest, at patuloy na obligasyon sa pagsunod sa mga kondisyon ng FPIC sa buong panahon ng implementasyon ng proyekto.
Nananatiling bukas ang NCIP sa makabuluhang diyalogo at mga mungkahi upang higit pang mapatatag ang pagpapatupad ng FPIC. Patuloy naming ipagtatanggol ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanan na malayang magpasya sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang mga lupang ninuno, kultura, at kinabukasan.
โ๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ: ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ฃ๐ก๐๐ง๐๐ฃโ