13/05/2026
๐ฒ From FYP to FYI, mga Ka-4Ps! โจ
Sasagutin ni Mrs. Caring ang inyong mga katanungan tungkol sa 4Ps โ dahil siya ay laging handang makinig at tumugon nang may malasakit. ๐
๐ฌ Ang tampok na tanong this week:
โBakit mga bata ang pangunahing tinutulungan sa 4Ps?โ
๐ฉโ๐ผ For your information, narito ang sagot ni Mrs. Caring diyan:
โAng kabataan ang pag-asa ng bayan,โ wika ni Dr. Jose Rizalโkaya naman sa mga bata namumuhunan ang 4Ps. Naniniwala ang programa na nasa mga bata ang susi sa mas maganda at mas matatag na kinabukasan ng bawat pamilya at komunidad.
Sa pamamagitan ng suporta sa kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon, mas nabibigyan sila ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap at kalaunan ay maputol ang siklo ng kahirapan na naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
Kaya naman goal ng programa na ang mga bata ay:
โ๏ธ makapag-aral;
โ๏ธ regular na makapagpa-check-up; at
โ๏ธ mabigyan ng tamang nutrisyon at bakuna.
Sa pamamagitan nito, mas malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan at hindi na maranasan ang parehong kahirapan na minana pa mula sa mga nakaraang henerasyon.
Para ma-achieve ito, may mga kondisyon o co-responsibilities na kailangang tuparin ng pamilya sa ilalim ng 4Ps, tulad ng:
๐ hindi bababa sa 80% school attendance ng mga bata;
๐ฉบ pagdalo sa health check-ups at immunization;
๐จโ๐ฉโ๐ง pagdalo ng magulang sa Family Development Sessions (FDS), kung saan itinuturo ang tamang gabay sa pagpapalaki ng anak at pamamahala ng pamilya.
Tandaan: kung hindi natutupad ang mga kondisyong ito na nagpapabuti sa kalagayan ng mga bata, maaaring mabawasan ang tulong-pinansyal o ma-suspend ang pag-release ng grants, alinsunod sa mga patakaran ng programa. Ito ay upang matiyak na ang benepisyo ay talagang napupunta sa layunin nitong mapaunlad ang pamilya, lalo na ng mga bata. โ ๏ธ
Ibig sabihin, ang 4Ps ay hindi panandalian o paulit-ulit na ayudaโito ay investment sa edukasyon, kalusugan, at kinabukasan para sa pangmatagalang pag-angat ng pamilya.
โจ May gustong malaman tungkol sa 4Ps? Si Mrs. Caring na ang bahalang magbahagi ng impormasyong dapat ninyong malaman, mga Ka-4Ps!
๐ข Patuloy na tumutok sa official page ng 4Ps para sa timely at accurate na impormasyon at updates!