23/07/2023
Ang hirap mo tadhana dahil ikaw yung nagtakda
Sa mga bagay na di ko inakala na ikaw mismo ang may akda
Pangkakataon na sadyang naghahamon mula sa malayong panahon
At ngayong ay di makaahon sa daluyon ng alon
Ang mga sandali na ang akala kong akoy mali sa mga desisyong di mawari
Napagtantong sadyang nakakubli ang mga matang mapagkunwari
Itinayo,sinuyo, binilanggo ang mga bagay ay pinagtagpo tagpo
Upang sa dulo ay matanto na ang mundo kahit saan mang anggulo
Tunay na mapanlinglang at mapagbiro..