10/09/2026
Narito po ang mga pangalan na binaba para sa 4Ps COMMUNITY ASSEMBLY VALIDATION 📢
Ipinaaalam sa lahat ng napiling pamilya na magkakaroon ng Community Assembly Validation para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
PETSA: SEPTEMBER 24, 2026 (maari na pong pumunta ng 8am)
VENUE: TANZA CONVENTION CENTER
⚠️ MAHALAGANG PAALALA: (Makikita ang listahan ng mga kwalipikadong maging miyembro sa inyong mga Barangay Hall. Kung sakaling ito ay hindi pa naipapaskil sa inyong mga Barangay Hall, maaari lamang po na abangan ito sa mga susunod na araw.)
1️⃣ CBMS Selection: Ang mga kwalipikadong pamilya ay mula sa datos ng PSA (Community-Based Monitoring System) na dumaan sa masusing pagpili ng DEPDev at DSWD.
2️⃣ Community Validation: Ang nakapaskil na listahan ay para sa kaalaman ng lahat at validation. Ang mga katanungan o reklamo ay opisyal na tatanggapin sa mismong iskedyul ng assembly.
3️⃣ "No PhilSys, No Program Continuity": OBLIGADO ang lahat ng miyembro na maging rehistrado sa PhilSys / National ID hanggang Disyembre 31, 2026. Ang hindi makakatupad dito ay maaaring matanggal sa programa.
📋 DETALYADONG LISTAHAN NG MGA REQUIREMENTS
(Dalhin ang Orihinal at Photocopy ng mga sumusunod)
👤 1. PAGKAKAKILANLAN (IDENTIFICATION)
🔳 PhilSys ID / National ID o anumang patunay ng pagpaparehistro (ePhilID, BBM Serbisyo result, o National ID Check) ng lahat ng miyembro ng pamilya.
🔳 Birth Certificate (PSA o Local Civil Registrar) ng LAHAT ng miyembro ng pamilya
🔳 Marriage Contract / Certificate (para sa mga kasal)
🔳 Death Certificate (para sa mga yumaong miyembro na nasa lumang listahan)
📚 2. PARA SA MGA BATANG NAG-AARAL
🔳 Certificate of School Attendance / Enrolment Form
🔳 Valid School ID at/o Report Card (Form 138 / SF9) (Kung mayroon)
🏥 3. PARA SA KALUSUGAN (HEALTH)
🔳 Health Attendance Certificate / Clinic Form (para sa mga buntis at batang edad 0-5 taong gulang)
♿ 4. PARA SA PWD / SPECIAL NEEDS
🔳 Person with Disability (PWD) ID
🔳 Updated Medical Certificate (kung walang PWD ID)
📌 Paki-share ang post na ito para sa kaalaman ng ating mga kabarangay! Subaybayan ang page na ito para sa anumang huling pagbabago sa iskedyul.
Ang lahat ng kumpleto ang requirements ang siya lamang mairerehistro sa programa
Kung may kulang man sa requirements, agad itong kumpletuhin sa araw ng validation. Maaari pa ring pumunta, ngunit hindi marerehistro kung sakaling hindi maibibigay ang kulang na requirements.
Ang list po na ito ay walang kinalaman ang barangay.