22/04/2026
Konsi Bulog, grab ko muna ang pic na ito wala kasi gagawa ng pubmat na maganda para sayo kasi ikaw ang laging gumagawa niyan para sa atin. 💔
Maraming maraming salamat sa lahat konsi Bulog! Mula Secretary hanggang Kagawad hindi ka naging madamot sa mga kakayahan mong pwede iambag mapa barangay man o simbahan. Binigla mo kaming lahat, andaming umiiyak simula pa kagabi, andaming nasasaktan at nanghihinayang. 😭😭😭💔💔💔
Napag usapan pa natin kahapon si Mama Leni Robredo na hindi tatakbo sa national, ang ginataang langka na luto ni tata egoy na dala mo sa barangay kahapon at ang goldilocks na cake na tawang tawa ka kasi isang box ang dala mo dahil nagrequest si chairman sayo ng ulam. Nag request ka pa kahapon sa office na gusto mo mag dagat pgkatapos natin maka videocall sina kuya mark na nasa calayo, sabi ko gawan natin ng paraan. Around 8PM nag personal message ka na hindi mo gawain kasi may GC tayo na doon lagi nag uusap, na ipinagtaka ko pero hindi ko na naisip itanong bakit PM. Huwag kang mag-alala yung request mong ipapatarp, na nilayout mo kagabi paprint natin. Andaming sana konsi pero Alam ng Diyos anong mas makakabuti sayo!
Hanggang sa Muli KONSI BULOG! Mahal ka namin! Lipad Mataas! 💔😭