Sangguniang Bayan ng Tanza

Sangguniang Bayan ng Tanza Mamamayan Muna para sa Bayan ng Tanza

Maligayang Kaarawan, Councilor Sheryl Lyn L. Gervacio!Nawa'y patuloy kang pagpalain ng kalakasan, talino, at inspirasyon...
09/09/2026

Maligayang Kaarawan, Councilor Sheryl Lyn L. Gervacio!

Nawa'y patuloy kang pagpalain ng kalakasan, talino, at inspirasyon sa iyong paglilingkod sa bayan ng Tanza!


Patuloy na naglilingkod at fully operational ang ating Tanza Public E-Library!Kaya kung naghahanap ka ng libre, tahimik,...
04/09/2026

Patuloy na naglilingkod at fully operational ang ating Tanza Public E-Library!

Kaya kung naghahanap ka ng libre, tahimik, at komportableng lugar para mag-aral o gumawa ng research, laging bukas ang aming pinto para sa inyo!

📍 Saan ito matatagpuan?
Poblacion Uno Covered Court, Tanza, Cavite

⏰ Operating Hours:
Lunes hanggang Huwebes (Monday to Thursday)
7:00 AM – 6:00 PM

✨ Mga LIBRENG serbisyo na patuloy ninyong maa-enjoy:

• FREE Internet Access para sa inyong research at iba pang educational needs.
• Mga aklat at reference materials na malayang magagamit.
• Isang maayos na lugar para sa pag-aaral at paghahanap ng impormasyon.

Ang pasilidad na ito ay patuloy na pinapanatili ng inyong Sangguniang Bayan upang suportahan ang edukasyon at kinabukasan ng bawat kabataang Tanzeño.

Kita-kits sa library! 📖🎓


Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ni Tata Usteng, ang Patron ng buong Bayan ng Tanza at Ama sa Pananam...
27/08/2026

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ni Tata Usteng, ang Patron ng buong Bayan ng Tanza at Ama sa Pananampalataya ng Sambayanang Caviteño.

Sa paglipas ng mga taon at sa gitna ng mga pagsubok na pinagdadaanan ng ating bayan—lalo na sa mga nagdaang kalamidad—ang ating matibay na pananampalataya at debosyon kay Tata Usteng ang patuloy na nagsisilbing lakas, pag-asa, at liwanag ng ating komunidad.

Dalangin ng inyong Sangguniang Bayan na patuloy tayong gabayan, protektahan, at buhusan ng masaganang biyaya ni Tata Usteng. Nawa'y panatilihin niyang ligtas, mapayapa, at puno ng pagmamahalan ang bawat pamilyang Tanzeño.

¡Viva Tata Usteng!
¡Viva San Agustin de Tanza!


Siyam na Tanzeño ang matagumpay na sumailalim sa operasyon sa katarata sa ilalim ng Free Cataract Check-up and Operation...
20/08/2026

Siyam na Tanzeño ang matagumpay na sumailalim sa operasyon sa katarata sa ilalim ng Free Cataract Check-up and Operation Program ni Presiding Officer at Vice Mayor Raymundo “Munding” Del Rosario.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas maraming Tanzeño ang nabibigyan ng pagkakataong muling luminaw ang kanilang paningin at makapagpatuloy sa kanilang pang-araw-araw na buhay nang may panibagong sigla.

Patuloy na isinusulong ni Vice Mayor Munding ang mga programang may tunay na pakinabang at direktang nakatutulong sa mga Tanzeño, lalo na sa mga nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.


Dumalo si Presiding Officer at Vice Mayor Raymundo “Munding” Del Rosario sa pagpupulong ng Cavite Vice Mayors’ League na...
20/08/2026

Dumalo si Presiding Officer at Vice Mayor Raymundo “Munding” Del Rosario sa pagpupulong ng Cavite Vice Mayors’ League na ginanap sa Bayan ng Rosario, Cavite.

Isang mahalagang pagkakataon upang magpalitan ng mga ideya, karanasan, at pananaw sa patuloy na pagpapalakas ng serbisyo at pamamahala para sa kapakanan ng mga Caviteño.


Walang tigil sa pagtulong sa ating mga kababayan si SB Member Doc Chingbee Diosana-Pangan - Doktora Ng Masa. Sa sarili n...
14/08/2026

Walang tigil sa pagtulong sa ating mga kababayan si SB Member Doc Chingbee Diosana-Pangan - Doktora Ng Masa. Sa sarili niyang pagsisikap, patuloy niyang iniikot ang iba’t ibang barangay sa ating bayan upang makapaghatid ng relief packs sa mga pamilyang nangangailangan.

Sa bawat pagpunta, dala niya ang hangaring kahit sa simpleng paraan ay makatulong at makapagbigay ng suporta sa ating mga kababayan sa panahon ng pangangailangan.


13/08/2026

Sa gitna ng walang tigil na buhos ng ulan at Habagat, patuloy ang pagtulong ni SB Member Hon. Myron "Pogloy" Solis Ner sa ating mga kababayang nangangailangan. Namahagi siya ng bigas na mula sa kanyang sariling pagsisikap bilang tulong at suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon.

Sa panahon ng pagsubok, mahalagang may mga taong kusang umaalalay. Maraming salamat, Hon. Pogloy Ner, sa inyong malasakit at patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan.


Tuloy-tuloy ang programa ng ating Vice Mayor at Presiding Officer, Hon. Raymundo "Munding" A. Del Rosario, para sa libre...
13/08/2026

Tuloy-tuloy ang programa ng ating Vice Mayor at Presiding Officer, Hon. Raymundo "Munding" A. Del Rosario, para sa libreng check-up at operasyon ng katarata.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas maraming kababayan nating nangangailangan ang nabibigyan ng pagkakataong maipatingin ang kanilang mga mata at maibalik ang linaw ng kanilang paningin. Patuloy ang serbisyo para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Tanzeño.


Maligayang Kaarawan, Councilor Joselito 'Toto' Arca!Nawa'y patuloy kang pagpalain ng kalakasan, talino, at inspirasyon s...
13/08/2026

Maligayang Kaarawan, Councilor Joselito 'Toto' Arca!

Nawa'y patuloy kang pagpalain ng kalakasan, talino, at inspirasyon sa iyong paglilingkod sa bayan ng Tanza!


Address

Antero Soriano Hi-way
Tanza
4108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng Tanza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category