12/11/2025
πππ πππππ ππ ππππππβπ πππππππ πππππππ ππ ππππ
π
ππ ππππππππππππ πππππ ππ πππ πππππ ππ ππππππππ ππ πππππππ ππππ ππ ππππ, ππππππ ππ πππ
QUEZON CITY β Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) ang pagtanggal ng mga multa para sa mga transaksyon ng driverβs license renewal at traffic apprehension cases, bilang konsiderasyon sa work suspension sa mga government offices dahil sa pananalasa ng mga Bagyong Tino at Bagyong Uwan.
Alinsunod sa direktiba ni Acting Transportation Secretary Giovanni Z. Lopez, inatasan ni LTO chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang mga Regional Director, Assistant Regional Director, Regional Operations Division Chief at mga Chief of District/Extension Office nationwide, na palawigin ang bisa ng lahat ng driverβs license na nag-expired noong Oktubre 30, 2025.
Kaugnay nito, walang ipapataw na multa o parusa ang LTO sa mga magre-renew ng lisensya hanggang sa Nobyembre 28, 2025, bilang tulong ng ahensya sa mga apektadong motorista ng dalawang magkasunod na kalamidad.
Bukod dito, nilinaw ng ahensya na lahat ng apprehension mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 12, 2025, ay hindi papatawan ng tatlumpung (30) araw na accessory penalty na suspensyong karaniwang ipinapataw sa mga hindi nakapagsumite ng bayad o hindi nakapag-ayos ng traffic violation sa loob ng labinlimang (15) araw mula sa petsa ng pag-isyu ng Temporary Operatorβs Permit (TOP).
Mananatiling epektibo ang extension na ito hanggang Nobyembre 28, 2025, kaya hinihikayat ng LTO ang mga apektadong motorista na samantalahin ang pagkakataong ito at tiniyak sa publiko ang patuloy na pagbibigay ng konsiderasyon habang isinasagawa ang mga hakbang sa pagbangon ng mga rehiyong sinalanta ng mga bagyo. # # #