07/07/2026
Sa pagbabanta ng bagyo, wala ho akong ibang hiling saating Poong Maykapal kung hindi tuluyang umayos ang lagay ng panahon, ilayo ang bawat pamilyang pilipino sa kapahamakan.
Kami po ay lumalaban ng patas sa kabila ng pagsubok ng buhay at kahirapan, ngunit kung ito ho ay madadagdagan pa ho ng trahedya at kalamidad tanging ang mga nasa laylayan lang po katulad ng aming mga residente ang lubos na mahihirapan.
Alam ho namin na tanging kayo lamang ang makakagawang magpaalis o magpatigil ng bagyo.
Tulungan mo po kaming magkaroon ng kapanatagan at ipag-adya mo po kami sa anumang kapahamakan.
Maraming salamat ho sa kalakasan at biyaya ng buhay!