01/08/2026
🤱 Ang pagpapasuso ay pagmamahal na walang kapantay.
Ang gatas ng ina ang pinakamainam na pagkain para sa sanggol. Ito ay nagbibigay ng sapat na nutrisyon, nagpapalakas ng resistensya at nagpapatibay ng natatanging ugnayan ng ina at anak.
Ang bawat ina ay may kanya-kanyang kwento sa paglalakbay ng pagpapasuso. Maging madali man o puno ng hamon, ang bawat pagsisikap ay nararapat na suportahan at pagalagahan.
Sama-sama nating itaguyod, pangalagaan at suportahan ang pagpapasuso upang magkaroon ng mas malusog na mga sanggol, mas malusog na ina at mas matatag na kinabukasan para sa ating komunidad.
“Gatas ng Ina, Regalong Panghabambuhay” ❤️