29/05/2023
Magbasa, matuto, at maging handa sa sakuna. Ingat, CATHSians!
|| Ayon sa weather report ng Dost_pagasa ngayong araw, patuloy na lumalakas ang Super Typhoon Mawar na tatawaging 'Betty' ( ) at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi (May 26) o Sabado ng umaga (May 27).
Maaring tumbukin nito ang Hilagang Luzon pero uulanin maging ang iba pang bahagi ng bansa dahil na rin sa Habagat na inaasahang hahatakin ng super bagyo.
Bilang paghahanda sa maaring pagbaha, alamin ang safety tips na marapat gawin BAGO, HABANG, at PAGKATAPOS ng isang pagbaha dulot ng matinding pag-ulan.
Source: Mines and Geosciences Bureau