22/04/2025
Ang kasong isinampa kay ex-mayor Lacson ay noon pang 2024. Binigyan lamang siya ng hanggang April 29, 2025, para sagutin ang mga paratang na 'graft' laban sa kanya.
BASAHIN: Pinagsusumite ng counter-affidavit ng Office of the Ombudsman si dating Concepcion Mayor Andres “Andy” Lacson dahil sa alegasyon ng illegal demolition at graft.
Ayon sa reklamo ni Benjamin Soriano, g**o sa Benigno S. Aquino National High School, ipinag-utos umano ni Lacson ang pagbaklas ng Concepcion Water District building sa Brgy. San Nicolas Poblacion mula 2018–2022 kahit walang demolition permit. Nawala rin umano ang mga materyales at kagamitan mula sa gusali.
Kinumpirma ng Municipal Engineer’s Office na walang permit ang demolisyon. Inatasan ng Ombudsman si Lacson na tumugon sa loob ng 10 araw. Kung mapatunayang guilty, maaari siyang maharap sa kasong administratibo, kriminal, at diskuwalipikasyon sa pagtakbo muli sa .
“Hindi tama na makatakbo siya ulit nang walang pananagutan,” ani Soriano. |