25/07/2025
SARA, LITISIN, NOW NA! KABATAANG TARLAKENYO, MAGKAISA PARA SA HUSTISYA AT PANANAGUTAN! ✊
Mariing kinukundena ng kabataang Tarlakenyo ang lantarang pagharang sa hustisya at ang patuloy na mga tangkang patagalin, harangin at tuluyang hindi mapanagot ang waldaserang si Sara Duterte sa pagtawag ng Korte Suprema sa mga isinampang kaso bilang isang “unconstitutional” sa proseso.
Habang tumitindi ang krisis sa sunod-sunod na kalamidad, sa edukasyon, lupa, sahod at trabaho, at iba pang serbisyong panlipunang tinatapyasan ng pondo habang walang habas na winaldas ni Sara Duterte ang pera ng taumbayan.
Hindi titigil sa pagkilos ang taumbayan hangga't hindi nangyayari ang dapat! Kumilos dapat ang Senado at iba pang kawanian ng pamahalaan para sa interes ng mamamayan at hindi ng iilan!