29/08/2026
WANTED PERSON, ARESTADO SA TARLAC CITY
Camp General Francisco S. Macabulos, Tarlac City – Arestado ng mga operatiba ng Tarlac City Police Station ang isang 34-anyos na wanted person sa Tarlac City, dakong alas-1:40 ng hapon nitong Agosto 29, 2026.
Ang akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Unjust Vexation sa ilalim ng Article 287 ng Revised Penal Code na inisyu ni Hon. Ryan Scott F. Robiños, Presiding Judge ng MTCC Branch 1, Tarlac City na may inirekomendang piyansa na Php3,000.00.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tarlac City PS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
“Patuloy nating paiigtingin ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang matiyak na ang bawat wanted person ay haharap at mananagot sa batas,” ayon kay PCOL Harry R. Lorenzo III, Provincial Director, Tarlac PPO. # # #